Ano ang passion mo?
Kung sa unang parte ng ating mamba mentality series ay natuto tayong magsumikap pa lalo araw-araw at huwag matakot magkamali kung gusto nating maging isang mamba like Kobe, sa part na ito ay usapang passion naman tayo.
Kung si Kobe ay very passionate sa hardcourt, paano naman ikaw?
ARE YOU FOLLOWING YOUR PASSION?
Ginagawa mo ba ang mga bagay na interesado ka talagang gawin? Mga ka-Chink, iba talaga kapag ginagawa mo ang bagay na gusto mo, at kumikita ka pa habang ginagawa ito.
Sabi nga sa isang sikat na quote, “follow your passion, and success will follow.”
Masayang magtrabaho at kumita ng pera kapag mahal mo ang ginagawa mo. Each day, may ilu-look forward kang gawin, each day, gaganahan kang mas galingan pa.
Pero pa’no kapag nawawalan ka nang gana gawin ang passion mo?
DO IT EVEN IF YOU DON’T FEEL LIKE DOING IT
Kahit gaano mo pa ka-mahal ang pagba-basketball, pagsusulat, pagluluto, pagkuha ng mga larawan, pag-awit, o pagsayaw, may mga araw pa rin na mawawala ka sa mood para gawin ang passion po.
Pero kahit wala kang gana, tinatamad ka, o wala ka sa mood, gawin mo pa rin ito. Do it even if you don’t feel like doing it.
Maski sa akin nangyayari ito, my friend. May mga araw din na wala ako sa mood magsulat ng blogs, ng chapters ng aking mga libro, mag-record ng mga YouTube videos, pero ginagawa ko pa rin ang mga ito. Bakit? Because this is my passion. Gumawa ng content to help people become wealthy and debt-free.
Pero you may ask me, “Chinkee, pa’no kapag hindi ko alam kung ano talaga ang passion ko?”
FIND NEW CHALLENGES
My friend, alam mo man o hindi ang passion mo sa buhay, always find time to find for yourself new challenges and embrace them. Well, kahit naman din hindi mo hanapin, for sure may mga challenges na kusang darating naman talaga sa iyo.
Embrace them. Do not be scared of facing new challenges. Chances are, sa process ng iyong pagharap sa mga pagsubok na yun ay makita mo ang mga bagay na gusto mo talagang gawin. Maaari mong ma-realize kung ano ba talaga ang passion mo.
If you cannot follow your passion yet, find it first.
“Stop wishing and dreaming about what you want without action. Chase it. Do it. Yun ang tinatawag nating passion.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang passion mo?
- May araw na ba na nawalan ka ng gana gawin ang passion mo?
- Ano ang ginagawa mo to keep doing what you love?
Watch this video:
Be Successful Like Kobe Bryant: Panoorin Ang Kanyang 10 Secret Rules Part 2
Click here: https://youtu.be/yJxG8AlzWCE
RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50.
Invest and do the right thing. Click here https://lddy.no/8vaq
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.