Nasubukan n’yo na bang magpautang
sa tiyo, tiya, pinsan o sa iba pang family relatives?
Yung hindi naman bababa sa P5,000
at hindi rin hihigit sa P10,000.
Tapos…sa araw ng singilan…
Hindi mahagilap. Kung nandyan naman,
ang madalas na linya ng iba ay…
“Bukas na lang. O kaya next week…”
Kung may unlimited rice, sila naman
ay feeling may unlimited bukas at next week.
Hanggang sa mahihiya na lang tayong maningil.
“Nahihiya naman ako kasi kamag-anak ko…”
Huwag naman ganun, KaChink!
Lalo na kung sa kanila mismo nanggaling
kung kailan tayo babayaran.
“Eh bakit naman kasi ang hirap singilin ng inutang ng kamag-anak?”
DAHIL SA PAG-IISIP NA KINALAKIHAN NATIN MANINGIL
(Photo from this Link)
Traditional mindset.
Ito yung kinalakihan na pag-iisip nating mga Pilipino.
“Katulad ng ano, Chinkee?”
- Utang na loob
- Hirap humindi o tumanggi
- Pakikisama a.k.a “Para namang di tayo magkamaganak!“
…to the point na kung tayo ay hihingian ng favor
na medyo mahirap, tayo pa ang naaagrabyado.
Ilan lang ito sa mga traditional mindset na tinutukoy ko.
Paano ba natin ito ma-overcome?
HUWAG MAGPALAMON SA HIYA maningil
(Photo from this Link)
Ito yung sitwasyon na dahil kamag-anak nila tayo,
may tendency na mahihiya tayong maningil.
Yung tipong dahil kadugo nila tayo,
kung pwede sana ay hindi na lang bayaran ang inutang.
Naisip ko lang. Hindi ba pagiging abusado na ito?
Lalo pa’t kung sa kanila nanggaling ang
“Pwede ba akong mangutang?”
Hindi sa tayo ay nagiging harsh.
Hindi din naman tayo nagiging madamot.
Kaya nga natin pinahiram diba?
Pero kaya nga tinawag na HIRAM,
kasi may intesyon na IBALIK sa atin
sa oras na napagusapan.
Kung wala pa lang intensyon,
eh di sana sinabi na lang nilang:
“PAHINGI ng pera” diba?
One way to look at it
is also to emphasize INTEGRITY
o yung paninindigan sa ipinangako sa atin.
Kung nangako, tuparin.
Kung mapapako, sabihin na lang at huwag paasahin.
KNOW WHERE WE SHOULD STAND
(Photo from this Link)
Magkaroon man ng hindi pagkakaintindihan
sa pamilya o relatives dahil sa utang,
dapat alam natin ang ating kinatatayuan.
Katulad nila, tayo rin ay may sariling pamilya na pinagkakagastusan.
And I think it’s right to pay what has been borrowed.
Most of all, learn to stand firm in your decision based on what is right.
“Hindi naman ibig sabihin na dahil magkamag-anak ay balewala na lang ang inutang.
Sana naman ay mapagtanto rin na may pamilya rin tayong ginagastusan.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- May kamag-anak ka bang may utang sa ‘yo?
- Nagbabayad ba sila on time?
- Paano mo siya sisingilin in a good way ngayon?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.