Gaano katagal na kayo kasal?
Kamusta naman ito so far?
Mahirap ba o keri lang?
Sa dami ng na counsel ko about marriage
nakalulungkot lang makita yung iba na
parang wala ng ngiti sa mga labi o
yun bang wala ng ningning sa mga mata.
Meron at meron ding nasasabi na
hindi maganda towards their spouses or
for the life that they have now with them.
“Mali ata ako ng napakasalan.”
“Over sa pagiging mama’s boy, Chinkee!”
“Wala pala siyang plano sa amin.”
“Nagtitiis na lang ako para sa anak namin.”
Ang hirap pa nito, ang nagiging tanging option
na lang ng iba ay hiwalayan.
Matthew 19:6
“..what God has joined together, let no one separate.”
Dito ngayon pumapasok ang
For BETTER or for WORSE
gaya ng ating sinumpa noong tayo ay ikinasal.
Anu-ano ba yung kadalasang dahilan kaya
nauuwi sa away at hiwalayan para
ito ay ating maiwasan?
WALANG SEPARATION SA MGA MAGULANG matagalan
(Photo from this Link)
Nag-asawa nga tayo pero,
kasama naman natin sa bahay ang biyenan.
Kada kilos natin napapansin.
Kapag nakahiga o nagpapahinga,
sasabihin tamad tayo.
Kapag hindi tayo marunong magluto
sasabihin kawawa ang anak nila.
Ultimo pagtatalo natin,
hindi maiiwasang may:
“Ano ba pinag-aawayan n’yo?”
“Itigil n’yo nga yan, nadidinig kayo ng mga bata.”
“Huwag mo naman sigawan anak ko.”
Nako patay na.
Wala ng privacy.
Siyempre, maiinsulto ang isa sa atin,
kaya ending, away na.
Sikaping bumukod.
Maski umupa basta yung kayong dalawa lang.
Kung hindi naman talaga maiiwasan,
pag usapan mabuti at dapat
parehas kayo willing at hindi sapilitan.
HINDI NAGKAKAISA matagalan
(Photo from this Link)
Likas na magkaiba ang lalaki sa babae.
Magkaiba pagdating sa:
- Kulturang kinalakihan
- Pagbibigay ng regalo (praktikal vs. sentimental)
- Diskarte sa buhay
- Religious background o kaya
- Pananaw sa pera at pamilya.
Pero gayon pa man,
hindi dapat ito maging hadlang.
Hindi porket magkaiba tayo,
eh gagawin na nating dahilan
para makipaghiwalay, because I tell you,
it will always be the same kung ito lang ang
ating tinitignan sa ating kabiyak.
Ganyan sila, ganito tayo.
Tanggapin at mahalin natin ito.
Subukang pag-aralan at intindihin
para magkaroon ng “meeting of the minds”…
‘Yan ang PAGKAKAISA.
WALANG FINANCIAL INDEPENDENCE matagalan
(Photo from this Link)
Pagkatapos ng kasal
uuwi sa bahay ng biyenan
kasi naglambing ng:
“Dito na lang kayo, sagot ko na ang kuryente.”
“Ako na bahala sa mga gastusin dito.”
“Huwag n’yo alalahanin ang bayad, ako na.”
Kaya ang minsanang pagsalo
nila sa ating responsibilidad
na may kinalaman sa pinansyal, ayun
nagkaroon ng #forever.
Hindi na tayo natuto tumayo
sa sarili nating mga paa.
Hindi na tayo gumagawa ng paraan
para maitaguyod ang pamilya natin
mula sa sarili nating efforts.
Lahat nakaasa. Laging nakasandal.
Gusto ng isa huwag naman umasa ng umasa.
Tapos yung isa,
“Okay lang yan, pasalamat ka nga wala na tayo iniisip.”
Kaya nagkakaroon ng pagtatalo sa dulo.
“Ang pag-aasawa ay isang uri ng pagsasama na panghabang buhay at pangmatagalan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong kadalasan ninyong pinagaawayan ni misis o mister?
- Nasubukan n’yo na bang mag compromise?
- Paano n’yo mapapatatag ang inyong pagsasama?
For more marriage tips, mag register na sa aking HAPPY WIFE, HAPPY LIFE VIRTUAL WORKSHOP.
Click here now: https://chinkeetan.com/hwhl/?ref=12&campaign=HWHLOnlineWorkshop
✔Lifetime Access
✔Watch it Anytime, Anywhere with your spouse
✔Free Happy Wife, Happy Life Companion Workbook
✔Free Online workshop videos
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.