Nagasgas na kotse?
Nawalang bag?
Nasirang screen ng cellphone?
Nabasag na mga pinggan?
“Huhu, ang tagal ko pinag-ipunan non!”
“Karmahin sana nagnakaw ng cellphone ko!”
“Ang mahal magpagawa ng sasakyan!”
Ang sakit n’yan noh?
Para bang may malalim na kurot sa puso
lalo na kapag mahal ang pagkakabili,
may sentimental value, o matagal na
natin pinakaiingatan ang isang bagay
tapos masisira o mawawala rin lang pala.
Pero
May
Sadya man, kapalaran, o hindi,
tandaan na materyal na bagay lang ang mga ‘yan.
“LANG? Lang ba yun?”
“Mahalaga sa akin yun Chinkee!”
Yes. mahalaga ang mga ito.Pero dapat natin tandaan na we need to learn how to let go. Mas mabuti pang iyon ang nawala kaysa…
MALAGAY TAYO SA ALANGANIN AT KAPAHAMAKAN
Ayaw ibigay ang bag kaya
nasaksak ng magnanakaw.
Napagsalitaan ng masakit ang kapatid
dahil nagasgas ang kotse
kaya ngayon, matagal na silang magkaaway.
Nabasag ng ating kasambahay ang pinggan,
pinagalitan at sinaktan,
ayun wala na tayong kasambahay ngayon.
Minsan kasi mas maganda ng
pakawalan natin yung mga bagay na iyon
kaysa mapahamak tayo o malagay sa
alanganing sitwasyon.
Parang ganito yan eh:
Buhay o cellphone?
Tao o
Alin ba
Only we can answer.
ONLY GOD’S LOVE IS PERMANENT
Lahat ng
When it’s time for it to vanish,
mawawala na lang ‘yan o masisira
kahit sa panahong hindi natin inaasahan.
Maski nga kahit gaano tayo ka-ingat,
wala, ‘pag masisira, masisira.
Dapat ang mindset natin,
kapag nawalan, nand’yan naman si Lord.
Kapag nasira ang gamit, nand’yan naman si Lord.
O kapag may nabasag, okay lang, nand’yan naman si Lord.
Why?
Because nothing is permanent
except God’s love for us.
His love for us is more than
enough para mag-alala pa at malungkot
sa mga bagay na nawala o nasira.
HUWAG TAYO MASYADONG ATTACHED
Okay lang malungkot,
umiyak, magalit, o sumama ang loob
when we lost significant things
pero, dapat may limitasyon tayo.
Hindi dapat habang buhay ay dadalhin natin
yung bigat ng loob na yun or else
mas mahihirapan tayo mag move on.
Gamitin na lang natin ang oras natin
para bigyan ng halaga ang ibang tao
at iba pang bagay na mas importante.
“Ang materyal na bagay ay kayang palitan pero ang kaligtasan at payapang isipan ay hindi matutumbasan kailanman.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano yung bagay na pinanghihinayangan mo na nawala o nasira?
- How did you react?
- Are you willing to let go of it para maka move on?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.