“Sino ba ang dapat mag-handle ng pera?”
“Magkano lang ba ang dapat ibigay na pera sa kaanak?”
“Okay lang ba na hindi na malaman ng asawa natin na tumulong tayo?”
Iilan lang ito sa mga common questions ng ibang mga
couples regarding sa pera ng mag-asawa. Para sa akin,
dapat mag-agree ang mag-asawa sa usapin na ito.
Meaning both sides should have their own
opinion na dapat marinig at mapagkasunduan ng
parehong party, at hindi isa lang ang magdedesisyon.
Because as couple, dalawa naman kayo na pumasok
sa pagsasama na iyan kaya kailangan din na pareho
kayong gagawa at bubuo ng desisyon para sa inyo.
Ilan sa mga tanong na dapat mapagkasunduan ay:
SINO ANG HAHAWAK NG PERA?
In this case, kung sino ang mas marunong mag-handle
at mag-manage ng pera, siya ang dapat humawak ng
finances ninyong mag-asawa at ng buong pamilya.
Wala ito sa gender or kung sino ang may mas malaking
kita. Mahalaga ay mapagkasunduan ninyo ito. At hindi rin
ibig sabihin na kung siya na ang magha-handle ay wala ng
role yung isa.
Wala man lang kahit piso na pera, na halos magmakaawa
para lang magkaroon ng allowance o budget. To the
point na ultimong pambili ng sachet ng shampoo, wala.
Ibig sabihin lang ng maghahawak ng pera, siya yung
magba-badyet ng pera, kung magkano ang allocated
sa grocery, sa tuition, sa kain sa labas, at iba pa.
Pero pareho pa ring may access sa pera. We need to
respect and honor our spouse and not the money that
we have in the bank. Pinag-uusapan dapat ito.
MAGKANO ANG HALAGA NG ITUTULONG NATIN?
Hindi rin naman maiiwasan na minsan may emergency
sa pamilya at kailangan nating tumulong. Kahit maganda
ang intention natin, we need to be honest with our spouse.
Hindi yung tutulong tayo at itatago natin ang ating
pagtulong dahil sa thinking na pag-aawayan pa ito.
Mahalaga ang pag-uusap tungkol sa usaping pera.
Sad to say, pero maraming relasyon ang nasisira dahil
sa pera. Huwag nating hayaan na kainin ng pera ang
ating isipan at paraan ng pagdedesisyon.
Huwag nating diktahan ng pera ang relasyon natin
sa ating asawa. Ang mga pagtatalo at sigalot tungkol
sa pera ay maaaring maiwasan kung mapagkakasunduan.
Kaya kung kailangan tumulong sa kaanak, kailangan
may blessing ng bawat isa at kung maaaring may limit
para naman din may maitabi pa rin para sa inyo.
PAANO ANG HATIAN NG GASTUSIN?
Wala namang mali sa maghatian. Pero pwede
n’yo namang pagsamahin ang mga pera ninyo at
mapagkasunduan kung magkano ang inyong allowance.
Sa ganitong paraan mas kita kung magkano ang
maiipon ninyo at kung saan talaga napupunta ang pera.
Mas nagiging matibay din ang tiwala sa isa’t isa.
Kung hindi man ganito ang usapan ninyo, maaari ninyong
pag-usapan muli at ayusin kung paano ang pinaka-praktikal
at maayos na paraan para sa inyong pamilya.
Kailangan din na mapagkasunduan kung hanggang
magkano ang limit ninyo sa mga gastusin. Tulad sa mga
labas kasama ang mga kaibigan o pambili ng sapatos, etc.
Mahalaga na hindi out of the budget para hindi rin
pag-awayan pa na may naglulustay ng pera. Kailangan
malinaw sa mag-asawa kung ano ang mga priorities.
“Sa usaping pera ng mag-asawa, mahalaga na magkasundo
para iwas sa gulo at hindi tayo magalit sa mundo.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Do you honor and respect your spouse?
- Pinag-uusapan ba ninyong mag-asawa ang usaping pinansyal?
- Gaano ka katapat sa iyong asawa?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.