Laman na ata halos ng Facebook, Twitter, Instagram, TV, Radyo, at mapa-dyaryo ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza (aka Yaya Dub)
o mas kilala natin sa screen name na “AlDub” bilang mga bida sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.
Sino nga ba sila at paano nila nahuli ang loob at kiliti ng bawat bata, matanda, lalaki man, o babae sa loob pa lamang ng mahigit dalawang buwan?
Dahil ba sila ay gwapo at maganda?
Oo… pero lahat naman kasi, mapa-loveteam o individual, mapa-artista o hindi ay talagang magaganda at gwapo.
Dahil ba sila ay bagong love team sa showbiz?
Hmm, kung ito ang dahilan, hindi ganoon kabilis dahil warm up pa lang ang two months kung tutuusin.
Dahil ba sa Dubsmash?
Siguradong nakatulong, dahil doon nagsimula ang character ni Yaya Dub.
Dahil ba sa kanilang literal na ‘LDR’ relationship?
Pwede. Kasi talagang may chemistry sila maski “LDR” o Long Distance Relationship kung tawagin dahil sa split screen.
Lahat iyan ay totoo, pero naniniwala akong may mas malalim pa na dahilan kung bakit milyon milyon ang sumusuporta sa tambalan AlDub at iyon ay dahil sa:
VALUES
Values that we have forgotten.
Values that we have thrown away.
Values that lead us back to what is morally acceptable.
Ano-ano nga ba ang mga evident values, which we have seen so far in Eat Bulaga’s Kalyeserye?
1. RESPECT FOR THE ELDERLY
“Ma! Ano ba!”
“Dun lang ako sa kaibigan ko, okay”
“Tay, pwede bang wag mo muna ako istorbohin, busy ako ‘di mo ba nakikita?”
Nakakalungkot isipin na ganito na ang pamamaraan ng pakikipagusap ng kabataan. Aminin man natin o hindi, madalang na natin marinig ang mga salitang “Po” at “Opo” kapag nakikipag usap sa mas nakakatanda. Nawala na din ang pagmamano bilang pagpapakita ng pag-galang.
Iyan ang ginagawang halimbawa ni Alden. Kung mapapansin sa Kalyeserye, ang AlDub ay nasa pangangalaga ng tatlong lola. Bawat galaw, bawat pagkikita, at bawat salita, hindi nila nakakalimutan ang mga ito bilang respeto na dapat natin ibalik o gayahin.
2. PATIENCE AND DETERMINATION
Gusto ng karamihan instant success, instant money, instant fame and fortune.
Lahat minamadali – yun bang ilang araw pa lang sa trabaho ay nagrereklamo na, hindi pa nabigay ang best pero naghahangad na ng promotion, or gusto yumaman pero hindi naman kumikilos.
This Kalyeserye teaches us that it takes a lot of patience, time and determination to succeed. Sabi nga, kahit ano pa yan, mararating mo din yan despite the obstacles “SA TAMANG PANAHON”.
3. RESPECT FOR WOMEN
I really admire how this show tries to lead us all back to how our women should be treated, as well as how women should act, dress up, and value themselves for them to be respected in return.
Remember, you don’t need to show some skin to get the attention of a man. On the other hand, a man doesn’t need to mistreat a woman just to get her attention. Just be yourself at kung talagang mahal ka, his priority will always be to protect and secure you at all cost.
4. GENUINE FEELINGS
We might have observed how the two stars of Kalyeserye show genuine or true feelings toward each other, mainly because they have no script from the very start. So lahat ng reactions nila, feelings at the moment, what to do and what to say are all natural kahit ano pang nagaganap sa segment.
This tells us that when dealing with people, hindi tayo dapat scripted. We should be genuine, showing who we really are while still being able to decide kung tama o mali ba ang sasabihin o gagawin natin para hindi tayo makasakit.
THINK. REFLECT. APPLY
Anong mga aral ang napulot mo sa Aldub?
Sa paanong paraan ka pwede maging magandang impluwensya tulad nila?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check out these other related posts:
- THE VALUE OF WAITING
- How To Earn Other People’s Respect
- What Kids Can Teach Us About Love, Honor, And Respect
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.