Bakit kaya tuwing may maganda kang pangarap at plano sa buhay ay maraming kumo-kontra?
Kaunti lang ang naniniwala.
Imbis na bigyan ka ng suporta, sila pa ang nanghihila sayo pababa.
Nakakainis man isipin, pero hindi talaga natin maiiwasan yung mga taong ganito. Ang buhay ay parang isang pelikula, ito ay hindi mabubuo kung walang kontrabida.
So bago tayo magpa-apekto sa mga taong kontrabida, you and I have to understand that we also have a role to play.
Ano ang dapat natin gawin?
IGNORE
Ignore the people or things that will just discourage you and rob you of your passion. Kung hindi naman makakatulong sayo ang mga statements nila, ang mga circumstances, ang mga remarks, at ang mga treatment ng ibang tao sayo then just ignore them. Just let it slide. Huwag mo ng dibdibin at pagmuni-munihan ang mga ito. Don’t let negative things and negative feelings pull you down. Huwag kang papaawat at huwag kang papa-apekto. Just let go and ignore.
CHOOSE
Success is a choice. Piliin mong maging matiyaga at all times. Huwag mong piliin maging tamad at pabaya. Huwag mong pillin ang pagsuko at ang mawalan ng gana. Kahit mahirap at nakakapagod na ang mga situation sa ating buhay, we always have a choice. We can use these to challenge us na maging mas magaling o di kaya’y to make us better people or we can use these as an excuse to give up. The choice is ours.
FOCUS
Katulad ng isang mananakbo na naka-focus sa kanyang finish line, we should focus on our goals. Let those goals motivate us to finish what we started. Let our dreams inspire us to work harder. Let us set our eyes on the prize. Ika nga ng sikat na kasabihan, “kapag may tiyaga, may nilaga”. Hindi pwedeng hindi magbunga ang pagtitiyagang ginagawa natin. Maaaring hindi pa natin makita ang bunga sa ngayon, but I’m telling you that at the right time, aanihin mo ang lahat ng pagtitiyagang ginagawa mo.
Huwag natin isisi lahat sa iba kung bakit walang nangyayari sa ating mga plano at pangarap.
THINK. REFLECT. REPLY.
May mga tao bang kumokontraba sa iyong mga plano at pangarap?
Paano mo sila hinaharap?
Ano ang na-realize mo sa blog na ito?
Did you enjoy this article? Check on these other related posts:
- Sino Ba ang Tunay na Kontrabida?
- DEALING WITH UNSUPPORTIVE SPOUSE
- MAHIRAP KAUSAP ANG MGA TAONG NEGA
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.