BAKIT MAHALAGA ANG ME TIME?
Walong oras na subsob sa trabaho, limang araw kada linggo…
Tatlong oras (o kung mamalasin ay limang oras pa!) na stuck sa traffic sa kahabaan ng EDSA bawat araw…
Pag-uwi ay gawaing bahay naman ang kailangang pagtuunan ng oras…
Kulang-kulang na tulog at pahinga…
Kung ganito ka-hectic at nakaha-haggard ang bawat araw ng buhay natin, ano na lang ang mangyayari sa atin?
Work is life.
Kailangang kumayod para sa kinabukasan.
Oo, kailangan talagang magsumikap at pag-igihan ang trabaho para sa mga mahal natin sa buhay pero hindi natin pwede kalimutan ang ating sarili.
You deserve your own ‘me time,’ kahit paminsan-minsan kasi…
TAO TAYO
Hindi makina na kayang magtrabaho nang tuloy-tuloy 24/7. Maski nga rin mga makina, nagma-malfunction din kapag nao-overuse, tayo pa kaya?
Kung may career time, family time, barkada time, babe time tayo, dapat may me time din. Bigyan mo rin ng oras ang sarili mo para makapag-recharge at magawa ang mga bagay na gusto mo para sa sarili mo lang – nang walang kasamang iba.
INVEST ON YOURSELF
Pagod at masakit ang katawan? Magpa-full body massage and spa ka.
Dry hair? Bad hair day every week? Nakasisira ang bad hair days. ‘Wag ka manghinayang baguhin ang hair style mo paminsan-minsan.
Nabu-burn out sa trabaho? Baka kailangan mong balikan ang mga hobbies na hindi mo na nagagawa sa sobrang busy mo. Baka nami-miss mo na mag-hiking, mag-swimming, o mag-out of town mag-isa para makalanghap ng sariwang hangin at makapag self-meditate.
Pwede ka ring mag-enroll sa gym, yoga classes, language classes, o kung anumang kinahihiligan mo pa.
At syempre, kung may nararamdaman kang anumang sakit, bigyang oras ang pagbisita sa doktor para maagapan kaagad. Pinakaimportante pa rin ang bantayan ang sarili mong kalusugan.
In short, treat yourself right. ‘Wag kang manghinayang. Dahil kung meron mang isang tao na hindi mo pwedeng kalimutang alagaan, iyon ang sarili mo. Pero syempre…
TREAT YOURSELF RESPONSIBLY
Syempre, kalmahan mo lang ang paggastos ng pera at oras mo. Baka masobrahan ka sa paggastos sa sarili mong kasiyahan, makalimutan mo na ang iba mo pang gastusin at responsibilidad. I-practice ang work-life balance principle nang sa gayon ay hindi mo mapabayaan ang responsibilidad mo sa iyong career, pamilya, mga mahal sa buhay, at sa sarili mo.
“Walang masama maging workaholic,
pero siguraduhing unahin ang sarili palagi.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY
- Ilang oras sa bawat linggo ang nailalaan mo para sa sarili mo?
- Anu-ano ang mga ginagawa mo sa iyong me time?
- Anu-ano pa ang pwede mong gawin para magkaroon nang mas maayos na work-life balance?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.