May kakilala ka bang mahilig magkalat ng tsismis tungkol sa iba?
Naging biktima ka na ba nila?
Masakit maging biktima ng paninirang puri at ng tsimis.
Sila yung may mga linyang …
“Friend wag na lang ‘tong makakarating kay ano ha, ____________.”
“Huy hindi na lang sa’kin nanggaling ‘to ha, pero nabalitaan mo na ba yung nangyari kay ____________.”
“Mare concerned lang naman ako, alam mo na ba nangyari?”
HAHAHA! I bet narinig mo na ang kahit isa diyan, once in your life.
Let’s face it, kadalasan ang mga tao pang madalas manira at mantsismis sa atin ay yung mga taong madalas nating kasama sa school, sa bahay o di kaya’y ka-trabaho pa natin. Ang masakit pa nito minsan ka-close mo pa!
Kung gusto mo malaman kung bakit may mga taong ganito, please read on. Ito ang mga posibleng dahilan…
INGGIT
“For where there is envy and self-ambition, there you will find disorder and evil of every kind.”
– James 3:16.
Ito ang mga taong na may mga sariling agenda. Porke’t hindi nangyayari ang gusto nila. Nakikita nila na mas productive ang iba, there is a certain feeling of bitterness. (Bakit ko kayang sabihin ito? Ganoon din po kasi ang nararamdaman ko rin dati.)
WALANG MASYADONG GINAGAWA
“Idle hands are the devil’s workshop; idle lips are his mouthpiece.
– Prov. 16:27
Marami silang oras at wala silang magawa. So naghahanap sila na pwedeng kabusihan.
Just think of this, kung masyado ka nang busy sa ginagawa mo at productive ka sa buhay, sa palagay mo ba, magkakaroon ka pa ng oras na magkwento ng buhay ng ibang tao?
People who are truly productive have no time for gossiping because they’re so busy thinking of ideas and solutions and not talking about others.
MAY HUGOT SILA
Lastly, we have to understand that these people are people who are also victims. Always remember that hurting people hurt others. These people are crying for help. Sila ay nasaktan kaya in turn, gusto nilang maramdam din ng iba ang dinaramdam nila.
Kaya bago natin sila husgahan at kainisan, dapat unawain natin ang kanilang pinagdadaanan at kaawaan.
“Miserable people make others’ lives miserable”
– Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay biktima din ba ng tsimis?
- Paano tayo makakatulong na huwag na palawigin ang kultura ng paninira?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.