May mga kakilala ba kayong taong ubod ng YABANG?
May mga kakilalang kayong bang mga taong dating walang wala at marunong makisama. Noong umunlad ang buhay, bigla na lang silang nagbago. Sumama ang ugali at hindi ka na masyadong pinapansin at kinakausap. Para bang nabale wala ang taong na inyong pagkakaibigan at pagsasama. Iba na ang kaniyang mga kaibigan Iba na ang mundo na kaniyang kinabubuhayan at hindi na siya nababagay sa dating buhay. . Short of saying, na hindi ka niya ka level. In other words, YUMABANG!
May mga kakilala ba kayong mga ganoong tao?
If you know someone, you are not alone. May mga taong akong nakasama at natulungan ngunit hindi ka man maalala.
May mga taong nagsasabi, “Ganoon talaga ang tao, pag dumating na ang pera nagbabago ang tao.”
Maari na naranasan mo ang sinasabi mo pero matapos ang mahabang panahon na pinagaralan ko, ito ang paniniwala ko pag dating sa taong nagbago.
Ang pera HINDI KAYANG BAGUHIN ANG TAO, pero ang pera kayang ilabas ang tunay niyang PAGKATAO.
Dati ng mayabang yung kamag-anak, kaibigan mong yan, hindi lang halata. Dahil noong wala siya, wala siyang ipagyayabang. Ano ang ipagyayabang niya? Yung kaniyang kawalan.
So if you ever meet people who changed because of money, do not blame money. Ang pera kasi neutral, pwedeng gawin sa mabuti at masama. Ang nagpapabuti at nagpapasama ay walang iba kung hindi ang taong humahawak ng pera.
Huwag natin lalahatin ang mga taong yumayaman ay yumayabang; dahil hindi lahat sila ay yumayabang. May mga taong yumaman na nakaapak pa rin sa lupa at hindi nagbabago. Katulad ng matalik kong kaibigan na si Randy Santiago aka “Mr. Shades.”
Kahit noong sobra na siyang kilala at marami ang kumukuha sa kaniya, ganoon pa rin ang kaniyang pag-uugali. Mabait siya sa lahat ng tao, mga producer man o kaniyang mga followers. Hindi siya namimili na taong kakausapin at pakikisamahan. That is the reason why after 27 years of friendship, we still get in touch, call and see each other at least once in a year.
Yan ang tunay ng mga tao at very true to his hit song na “HINDI MAGBABAGO.” For those young people out there who missed out on this song, please click here https://bit.ly/1t1ukwc
Kaya’t pag dumating ang pagkakataon na ikaw ay yumaman, pwede magbago ang ating kinakain, tirahan, gamit, sasakyan o lifestyle . Pero parati nating paalalahanan ang ating saril na hindi dapat magbago ang ating pag-uugali.
We just need to be reminded where we started and we will not get to where we are if not for the people who helped and believed in us. We need also to be reminded that it was God who gave us the ability and granted us the opportunity. Kung ito ay ipinagkaloob sa ating ng Diyos, kaya rin niyang bawiin ito.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kamustahin natin ang ating sarili, kung ikukumpara natin ang ating sarili sa dati, nag-level up na ba ang iyong buhay?
Kamusta naman, pareho ka pa rin ba ng dati o may nararamdaman ka ng iba?
Marunong ka bang magbalik tanaw at magpasalamat sa mga taong tumulong sa iyo at lalo na ang Diyos na ipinagkatiwala sa iyo ang tagumpay?
Sana nakatulong itong maikling blog na ito sa pagiging isang matagumpay na hindi HAMBOG kundi HUMBLE na tao.
Chinkee Tan is a well known motivational speaker in the Philippines who specializes in topics revolving around wealth and life such as building and strengthening relationships, personal development and financial management to name a few.
If this article has helped you, check out these other related topics:
- WHO’S THE BOSS—YOU OR MONEY?
- WORST MONEY MISTAKE ANYONE CAN MAKE
- Ang Tunay Na Mayaman Ay Hindi Kailangan Magyabang
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.