Ma, Pa, ‘I love you!’
Ang sagot nila?
“O ano na naman kailangan mo?”
Minsan naiisip natin, grabe naman sila.
Pero minsan din naman ay may dahilan
ang kanilang reaction.
Dahil ang paglalambing natin
mukhang may ibig-sabihin.
It’s a cry for help dahil wala pang sahod,
kapos at simot na ang pitaka.
Kahit anong taktak, wala talaga.
In times like this
“Who you gonna call?”
Ghostbusters!
Hindi!
Kundi, itago na lang natin sa pangalang
‘Nay at ‘Tay’.
Naniniwala kasi tayong
sila ang magliligtas at magsasalba sa atin
sa oras ng kagipitan.
Hindi parati.
Tayong mga anak,
lalo na’t tayo ay may trabaho na,
kailangan natin tandaan na…
HINDI SILA ATM
(Photo from this Link)
Hindi sila and’yan para gawin silang ATM
na kung kailan tayo nangailangan,
isang tawag o makaawa lang sa kanila
ay dapat tayong bigyan.
Unang una, hindi nila sagutin
kung bakit tayo kinapos sa budget.
Baka naman napasobra tayo ng
kain sa labas, gimik with friends, o
may mga nagastang hindi nailista.
Alin dito?
Naalala mo pa ba yung ‘ANYARE’
Sa iyong pera bakit kinulang?
Isiping mabuti.
HUWAG TAYONG DEMANDING money
(Photo from this Link)
“Dali na Ma!”
“Kainis naman eh. Damot.”
“Eh di ‘wag. ‘Di ako magbibigay sa sahod.”
Mawalang galang lang mga iho at iha.
Nasaan ang ating respeto sa kanila?
Isipin din natin na baka kaya ayaw nila
ay baka dahil mamihasa tayo o
masanay na lagi silang takbuhan.
O ‘di kaya baka sinabing wala
hindi dahil niloloko tayo kundi
dahil walang wala din sila.
FYI:
Hindi lang naman tayo ang
pinagkakagastusan nila.
Nandyan ang tubig, kuryente,
upa, investment for the future,
at marami pang iba.
TULUNGAN NATIN SILA money
(Photo from this Link)
“Ha? Kailangan ko magbigay?”
“Hala. eh may work din naman sila.”
“Dami ko rin gastos.”
Sabi ko nga noon, ang pagtulong
hindi naman laging pera ang binibigay.
Tumulong in the sense lang na
pag-aaralan natin mag-budget
para hindi na natin sila ginagambala.
Matuto magtipid at mag-ipon
para hindi tayo maging pabigat sa kanila.
Simple things like these
para naman hindi tayo umaasa lagi sa hingi.
May trabaho naman tayo.
Kumikita naman tayo.
Gamitin natin ng maayos para
hindi kailangang saklolohan ng magulang.
Ang anak na laging ubos ang sweldo at nagigipit ay kay nanay at tatay lagi lumalapit at kumakapit. “Nay, ‘Tay please help me! Can I borrow muna some money?”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay isang PALA? O Palaasa?
- Bakit ka kinakapos?
- Paano mo sila matutulungan?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off + 15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“KNOWING WHEN TO INCREASE RENT”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2nktoTx
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life”
Registration: P950 per couple
Early Bird Rate: P750 per couple
March 10, 2018/ Victory Greenhills San Juan
A Seminar Featuring Chinkee and Nove-Ann Tan and Julius and Tintin Babao
“To Build Stronger Marriages One Couple At A Time.”
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.