May boss ka bang palasigaw at parating nagsasalubong ang mga kilay?
Yung konting galaw mo lang, napupuna kagad ang kamalian mo?
Yung akala mo agahan niya ay ampalaya dahil sa sobrang bitter ng ugali nya?
Yung nagsabi ka ng “good morning” pero ang sagot ay “walang good sa morning”
Kung oo ang sagot mo sa lahat nang yan, congratulations, meron kang Monster Boss.
Ang monster boss ay ang taong nasa posisyon sa iyong trabaho na dapat sundin ngunit dahil sa kanilang pag-uugali, napakahirap silang galangin.
Mahal mo ang iyong trabaho ngunit dahil sa iyong boss, nag-iisip ka nang umalis.
Wait. Bago ka mag sulat ng iyong resignation letter at mag-alsa-balutan, may mga paraan pa kung paano mo mapagtatagumpayan ang iyong sitwasyon.
SURIIN MUNA ANG SARILI
Nasubukan mo na bang tanungin sa sarili mo kung may nagawa kang mali kaya nagalit ang iyong boss? Madalas, ang tao ay hindi basta-basta na nagagalit ng walang dahilan. Maaaring may nagawa kang hindi ikina-tuwa ng boss mo kaya siya nagtatalak.
Dumating ka ba sa tamang oras sa trabaho?
Sumunod ka ba sa dress code nyo?
Nagawa mo ba ang pinapagawa niya?
Ibinigay mo ba ang lahat ng makakaya mo sa paggawa mo ng report o ng presentation?
Sabi sa Matthew 7:3, “And why do you look at the speck in your brother’s eye, but do not consider the plank in your own eye”
I-check muna ang sarili bago ituro ang iyong boss. Baka ikaw ang dahilan ng kanyang init ng ulo. Baka ikaw talaga ang nagpapa monster sa kanya.
INTINDIHIN MO SIYA
Kung alam mo sa sarili mo na ikaw ay isang mabuting empleyado, oras na para ibahin ang pag-iisip o pagtingin sa galit ng iyong boss.
Sasabihin mong, “Bakit ako ang magbabago? Eh wala naman akong ginagawang mali! Dapat siya ang mag bago dahil siya ang may ginagawang mali!”
Napakalaki ng iyong point ngunit simple lang ang sagot sa iyong katanungan. Ikaw ang dapat magbago dahil ikaw ang may mas malawak na pang-unawa.
Nakakalungkot man isipin, wala ka sa posisyong pagalitan siya dahil siya ang boss. Yun ang bitter truth.
Itong simpleng pagbabasa mo ng blog na ito ay isang tanda na nais mong may gawin sa feeling mong hopeless na sitwasyon.
Ang monster boss ay katulad lang din nating mga normal na tao na minsan masama ang araw at gising sa umaga. Pwede rin siya ay punong puno ng galit at poot sa kanyang buhay.
Malay mo, siya rin ay stressed sa pamilya, sa love life, o sa finances. Maraming pwedeng maging dahilan ng kanyang galit. Kung malalaman lang natin ang dahilan o kahit magkaroon man tayo ng konting pangunawa, matututunan din natin siyang intindihin.
Tulad din natin, maaaring siya rin ay may pinagdadaanan.
Imaginin mo, nasa mga balikat niya ang operation ng kumpanya at pagma-manage ng mga empleyadong katulad mo. Napakabigat na responsibilidad nun! Kung ikaw ang nasa sitwasyon na ganun, maaaring ma-pressure ka at maging monster rin!
DAANIN SA MAHINAHON NA USAPAN
Sabi nga, walang matigas na tinapay sa mainit na kape.
Anumang tigas ng puso ng iyong boss ay lalambot din sa init ng pagmamahal.
Araw-arawin mo siyang batiin ng good morning, good afternoon at good evening.
Sundin mo ang mga utos nya nang may ngiting wagas.
I-offer mo ang lahat ng iyong makakaya na may extra effort pa.
Kung inutos niyang kumuha ng isang basong tubig, magbigay ka ng dalawa, magdagdag ka pa ng tissue at ice.
Kung sinabi niyang magwalis sa opisina, maglampaso ka pa, isama mo na ang kabilang opisina.
Go the extra mile, ika nga!
Ipakita mong sincere ka sa iyong pagtatrabaho at unti-unti ring ngingiti ang iyong boss.
Mahirap talagang matalo ang isang monster. Sa fairy tales nga, kailangan pa ng mga sandata at ng magic para magapi ang mga ito. Sa totoong buhay, meron din tayong sandata, ang extra effort at meron din tayong magic, ang pang-unawa at ang ngiting wagas.
THINK. REFLECT. APPLY.
I-check ang sarili. Ginagawa mo ba ng maayos ang iyong trabaho?
Sa tingin mo, ano-ano ang mga dahilan ng pagka bugnot ng iyong boss?
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal at pagrespeto sa iyong boss?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on related posts:
- How To Deal With Self-Centered People
- How To Deal With A Rude Person
- Bakit May Mga Taong Walang Konsensya?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.