Ano ba ang Myth? Myth ay mula sa salitang griyego
na “muthos” na ang ibig sabihin ay story o kwento.
Ito yung mga sinaunang kwento at paniniwala.
Let me unfold some money myths that you have to know
para masabi ko kung paano ba dapat natin hawakan
ang ating pera para maitama ang ating paniniwala.
Kailangan nating malaman ang tama upang hindi tayo
magsisi sa huli at mas ma-handle natin nang maayos
ang ating pera para sa mas magandang kinabukasan.
Ilan lamang sa mga ito ay:
YOU TRACK MONEY IN YOUR MIND
Kahit gaano ka kagaling sa math na kaya mong mag-
compute mentally, kung hindi mo naman alam kung
paano magbadyet, mawawala rin ang pera mo.
Withdraw tayo then lagay sa wallet then bili ng kung
anu-ano, bayad ng bills, bigay sa kaanak, pamasahe
pagtingin natin sa wallet natin, wala nang laman.
Unlike kung naka-budget ang gastusin natin, nakalista
kung magkano ang inaabot ng grocery, yung pamasahe
natin araw-araw tapos yung mga bayarin sa bills etc.
Mas magiging malinaw kung paano natin hahati-hatiin
ang ating kinikita kada buwan at malilimitahan natin
ang mga extra na gastusin tulad ng kain sa labas at iba pa.
Mahalaga rin na may nakahiwalay na agad na ipon mula
sa kinikita natin para alam natin kung magkano ang maaari
nating gastusin at hindi tayo malubog sa pagkakautang.
YOU PAY YOUR DEBT WHEN YOU GET YOUR RETIREMENT FUND
Remember that the moment you stop working, you
will also stop earning BUT you will never stop spending.
Ito ang katotohanan kaya kailangan maghanda.
Imagine kung ang retirement fund dapat natin na tutustos
sa mga pangangailangan natin ay ang ipangbabayad natin
sa house loan, car loan at kung ano pa. Anong mangyayari?
Paano na tayo makasu-survive? Ano na ang ipangbibili
natin ng mga pagkain, gamot at iba pa na kailangan natin?
Aasa na lang ba tayo sa ibang kaanak natin? Bahala na?
Hindi dapat tayo ganito mag-isip. Kailangan, bayaran na
natin ang ating mga utang kahit paunti-unti. At the same time,
mag-ipon para sa ating retirement para hindi tayo kaawa-awa.
Hangga’t kaya naman na bayara na ng cash, magbayad na
at huwag na tayong umutang pa dahil nasasayang lang din
ang ating pera sa interest na binabayaran din natin.
YOU BORROW FROM A LOWER INTEREST
Sa isang taon, magkano ang interest ng pera natin sa bank?
More or less nasa 1% per annum depende pa minsan mas
mababa pa. Pero magkano ang interest kapag sa credit card?
May iba nasa 3-5% per month ‘yan kung hindi nabayaran. O
kung bank loan naman minsan nasa mga 8% per month.
Lugi ‘di ba? Kaya kung may gusto tayong bilhin, pag-ipunan.
Huwag masanay at magpadala sa mas mababa ang
interest lalo na kung may pera naman para mabayaran
ito. Ganun din kung may bayarin pa sa credit card.
Mas mabuti na bayaran at tapusin ang mga may interest
at maglaan ng mas maliit muna na ipon dahil sayang naman
ang mga buwan na may binabayaran tayo na interest.
Maging maalam sa ikot ng ating pera upang hindi tayo
nagtataka kung saan napupunta ito at upang may
naitatabi naman tayo para sa ating retirement.
“Mahalagang mamulat sa tamang paghawak ng pera
upang ang ating pinaghirapan ay hindi lang maitsyapwera.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano pa ang money myths ang alam mo?
- Paano mo sisimulang baguhin ang dating mong paniniwala?
- May mga kakilala ka rin ba na sa tingin mo kailangan ding mamulat at matuto sa tamang paghawak ng pera?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.