Naranasan n’yo na bang malugmok sa kahirapan?
Yung sinasabi nga nila na wala nang pag-asa.
Nawalan na ng paraan paano ulit makapagtrabaho at makapag-ipon.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa na hindi na makabangon.
Sabi pa nga, “Mailap ang kapalaran.”
Lahat nang ito ay dahil sa failure, frustration at kabiguan sa buhay.
Ang isa sa pinakamahirap siguro kung dumating
ang mga ganitong pangyayari sa buhay natin
ay kung paano, kailan at saan tayo banda babangon, magsisimula.
Lalo na kung mag-isa natin itong hinaharap.
But one thing about me pagdating sa mga dagok at iba’t ibang pagsubok
sa buhay ay ang aking pananampalataya at paniniwala
na ako at ang pamilya ko ay makakaahon sa kahirapan.
Lagi nating tandaan ang mga sumunod:
THERE IS ALWAYS A REASON IN EVERY TRIAL
Sabi nga nila, may tatlong sagot sa panalangin.|
“YES” kung para sa atin talaga at nasa tamang oras,
“NO” kung hindi nararapat para sa atin dahil we need
to “WAIT” for better things that are about to come.
May purpose kung bakit minsan delay ang jeep sa umaga,
kung bakit masakit ang ulo kung minsan,
at kung bakit hanggang ngayon ay hirap pa rin tayo sa buhay.
Instead of blaming others or ourselves, let’s make it a point to
see the reason and purpose why we are still in a situation na
hindi na natin gusto.
EVERYTHING WORKS TOGETHER FOR GOOD
Sa lahat ng nangyayaring kabiguan, pagkukulang at frustrations
sa buhay ay for sure ito ay may maidudulot na kabutihan.
We always benefit in every good thing that we do. Hindi ba convincing?
Isipin na lang natin yung worst na nangyari sa buhay natin.
At kung bakit hanggang ngayon ay bumabangon at nabubuhay pa rin tayo.
Life’s trials and failures teaches us our need for wisdom.
Kaya siguro naging biskwit ang meryanda kahapon
ay para matuto tayong bumaluktot kung maikli ang kumot.
Matutong magtipid para mas malaki ang ipon.
Matutong magbanat ng buto para maranasan
at malaman ang hirap sa pagtatrabaho para may ipang-ulam lang.
Ang ating trials o dagok sa buhay ay madalas
may mga aral na kailangan natin to grow as a person.
KEEP OUR HOPES HIGH, BUT FAITH HIGHER
Sabi pa nga nila, hangga’t nabubuhay ay may pag-asa.
Dapat ganito ang motivation natin sa sarili.
Never lose hope! Mawala na ang iba ‘wag lang yung pag-asa.
I also learned to appreciate the value of vision in life.
Through vision or visualization kahit sa simpleng mga pangarap
what we will become after five to ten years from now
ay malaking tulong para mabuo ang ating pag-asa sa puso.
Isama pa natin yung pananampalataya sa Diyos at tibay ng loob.
Never ever lose faith. Dahil kung nasaan ang faith, hope grows.
Lagi nating tatandaan na kahit anumang unos o pagsubok ang dumating..
“Gawin nating inspirasyon ang ating mga pagkabigo.
Siguradong gaganda ang ating buhay kung magsisikap tayo.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano ka bumabangon from failures and disappointments?
- What are your coping mechanism?
- Ano ang pwede mong gawin ngayon para i-inspire ang tao na magsikap at maniwala sa Diyos.
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.