Mahirap mawalan ng mahal sa buhay—kapamilya man natin ito, kaibigan, o taong malapit sa puso natin. Many things will surely remind us of our lost loved ones.
Matinding adjustments ang kailangan nating gawin sa buhay bago maka move-on sa pagkawala nila. A lot of hard firsts will come. Lalo na sa unang holiday season na hindi natin sila makakasama.
Mahirap, lalo na’t kailangan nating tanggapin na hindi na natin sila makakasama sa anumang holiday o special occasions na nakasanayan nating i-celebrate kasama sila.
MAHIRAP PERO MASASANAY KA NA LANG
Pagkalipas siguro ng ilang celebrations na wala sila, eventually masasanay din tayo. Masasanay din tayo na wala sila, na hindi natin sila mayayakap, na hindi natin sila makakausap at makakakulitan.
It may not be as happy as it used to be but at least you are still happy. Kailangan mo pa ring maging masaya.
APPRECIATE YOUR SUPPORT SYSTEM
Kailangan i-appreciate natin ang mga taong nand’yan pa rin para damayan tayo, at pasiyahin tayo anumang araw, gaya ng pamilya at mga kaibigan natin.
Iwasan nating maging malungkot sa panahong ito. Maraming bagay pa ang pwedeng maging source of happiness natin, hindi lang ang mga alaala ng mga taong nami-miss natin.
LIFE MUST GO ON, IKA NGA
Tandaan natin na hindi rin gusto ng mga yumao nating mga mahal sa buhay na malungkot tayo dahil sa kanila.
I-celebrate natin hindi lamang ang holiday season, kundi ang bawat araw. May mga nawala man sa buhay natin, mananatili pa ring nand’yan ang mga alaala nila hindi para maging malungkot tayo kung hindi para magsilbing lakas natin para mabuhay nang masaya.
“Celebrate the holiday season with the people
that are still with us. Our lost loved ones
will be happier by seeing us happy.”
– Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Naranasan mo na ba mawalan ng mahal sa buhay?
- Paano mo nalagpasan ang mga special occasions na hindi na sila kasama?
- Paano mo ice-celebrate ang holiday season nang masaya?
—————————————————
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @chinkeetan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.