Naranasan n’yo na bang mataranta
dahil sa wala nang pambayad sa utang nung singilan na?
Nangangamba pa rin ba kung darating yung araw
na walang mahuhugot in case of emergency?
O tayo yung tipo nang tao na kuntento na
sa sweldong natatanggap kada payday?
Here are the three things that each IPONARYO needs to know:
ANG TAONG MAY IPON AY LAGING MAY PANGGASTOS
Paano nga ba naman tayo makagagastos kung walang ipon?
We can spend all we want the moment na makasweldo tayo.
But I think limited lang ang magagastos natin,
dahil once na maubos ay maghihintay ulit tayo ng payday.
Samantala, kung ang isang tao na may ipon,
aside sa sweldo na nakukuha kada 15th and 30th
ay may emergency fund pa at extra na pwedeng pandagdag.
Dahil nakapag-ipon-ipon din, sila yung mga tao
na makabibili ng mga bagay kahit mahal pa.
ANG TAONG MAY IPON AY LAGING HANDA
Imagine the life of ants. Hindi ba’t masisipag silang kumolekta
ng kanilang pagkain lalo na bago sumapit ang tag-ulan?
Isa ito sa kanilang paghahanda upang may makain sila sa tag-ulan.
Kung ia-apply natin sa ating buhay ang strategy ng mga langgam
lalo na sa ating pamamaraan nang pag-iipon, siguradong hindi tayo
mamomroblema ng mga panggastos in case of emergency.
Ang taong may ipon ay may nahuhugot sa oras ng pangangailangan.
Laging handa parang boy scout at girl scout. Sila yung mga taong aside
sa sariling ipon ay may emergency fund pa upang hindi magastos ang personal savings.
ANG TAONG MAY IPON AY CHILL LANG
Dahil ang taong may ipon ay chill lang.
Hindi nangangamba, hindi na i-stress financially.
Dahil may mahuhugot sa bulsa o sa ATM.
Hindi iniisip ang kinabukasan na may kaba sa dibdib.
Kung ninanais nating hindi ma-stress sa gastusin,
dapat hangga’t maaga ay mag-ipon na tayo.
Maraming paraan na rin ang aking naibahagi from these blogs
at marami na rin ang guminhawa financially kahit papaano.
Sa panahon ngayon na tumaas pa lalo ang mga bilihin,
dapat ay itinataas rin natin ang ating ipon.
“Ang taong may ipon ay hindi nangangamba sa kanyang kinabukasan. Alam niya kasi na may mahuhugot siya sa oras ng pangangailangan.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ilang taon ka nang nag-iipon?
- May mga pagkakataon bang nagagastos mo ito?
- Ano ang pwede mong magawa this week para ma-improve ang pag-iipon mo?
—————————————————————————
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.