Happy New Year!
Ito na ang season kung saan usong-uso ang mga hula, horoscopes, lucky number, lucky color at marami pang iba!
Marahil minsan mong natanong ang sarili mo kung ano ang magiging takbo ng iyong kapalaran ngayong taon.
Sino ang soulmate ko?
Mag-kaka-bahay at lupa na ba ako?
Ma-po-promote na ba ako sa trabaho?
Mabubuntis na ba ako ngayon?
Yayaman na ba ako?
Makakalaya na ba ako sa utang?
Kikita na ba ang negosyo ko?
Makakamit ko na ba ang mga pangarap ko?
At kung ano-ano pang mga katanungan.
Sino ba namang hindi magkakagusto na magkaroon ng magandang kapalaran, maginhawang at masaganang buhay?
Gusto nating lahat yan! Walang tatanggi dyan!
Subalit hindi natin dapat natin ito i-asa sa alignment ng mga bituin, sa hula ng mga madam at masters,
maging sa mga tarot cards o sa kung anong year of what animal.
Bakit? Ito ang ilan sa mga dahilan:
WALANG KASIGURUHAN
Kaya nga tinawag na hula. Ibig sabihin, pwedeng tumama, pwedeng hindi. Kung wala naman pala itong kasiguraduhan bakit tayo makikinig, maniniwala at magtitiwala dito? Kung i-a-asa natin ang ating mga desisyon sa mga bagay na “hula-hula,” hindi lang mawawalan ng direksyon ang ating buhay, baka ikapahamak pa natin ito.
TAYO ANG GUMAGAWA NG ATING KAPALARAN
We have a choice. Kung gusto natin yumaman, mahanap ang soulmate natin, makalaya sa utang, magkaroon ng maginhawang buhay, makapagtapos ng pag-aaral, umasenso, ma-promote sa trabaho, makamit ang mga goals at mga pangarap natin, we need to do something!
Bumangon tayo at kumilos. Hindi totoong may malas at swerte. May mga nagtagumpay kasi pinili nilang magtagumpay. Yes, we may experience failure but it’s all part of the process.
ANG DIYOS ANG MAY HAWAK NG ATING BUHAY
Ang Panginoon ang makapangyarihan sa lahat,
Siya na gumawa ng langit at ng lupa at ng lahat ng nakikita natin.
Sa kanya lang tayo dapat naniniwala at nagtitiwala dahil Siya ang nakakaalam ng lahat at walang kapantay ang kanyang kayang gawin.
Walang talo kung kay Lord tayo tataya.
Kay Lord, nakakasiguro tayo.
Kay Lord, hindi tayo iiwanan at pababayaan.
Kay Lord, walang hula-hula.
Hindi Siya sasablay.
Hindi Siya magkakamali.
Hindi Siya papalpak.
Bakit ka pa tataya sa dehado, siyempre gusto natin yun sa sigurado. Kay Lord, may katiyakan ka!
“For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”
–Jeremiah 29:11
THINK. REFLECT. APPLY
- Naniniwala ka pa rin ba sa hula?
- Handa ka na ba ipagkatiwala sa Diyos ang buhay mo?
- Naniniwala ka ba sa sinabi Niya sa Jeremiah 29:11?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.