Ikaw ba ay nasaktan na ng ibang tao?
Ako, yes! Aminin man natin o hindi, tayong lahat ay nakasakit na once in our life. In the process offended and hurt others.
At the end of the day, when they look back, tsaka palang nila marerealize that it’s not worth it. Pag huli na ang lahat, tsaka nalang nila maiisip na sana pala naging masaya nalang sila at hindi na naging bitter.
Ano nga ba ang nagagawa ng bitterness sa isang tao?
BONDAGE OF LIES
Nakakulong sila sa kasinungalingan. In denial sila sa lahat ng bagay. Madalas ang mga taong bitter gumagawa ng istorya para mapagtakpan ang tunay na kondisyon ng mga puso nila. Nagsasabi rin sila ng kasinungalingan against other people para maiangat ang sarili nila. Hindi nila namamalayan, baon na baon na sila sa tambak na kasinungalingan na meron sila. Daig pa nila ang mga nakakulong. Walang kalayaan dahil bilanggo sila ng mga galit nila at sarili nilang kasinungalingan.
ISOLATION
Bukod sa mahirap silang i-please, mahirap din silang pakisamahan. Ang mga relationships na meron sila ay ‘disposable’. Mas mahalaga sa kanila ang inaalagaang galit at sama ng loob kaysa sa mga relasyon na meron sila, kaya ang ending? Walang tumatagal na kaibigan, walang kasundong kasamahan sa trabaho at minsan kahit kapamilya nya ay iniiwanan sya. Ang bitterness nya ang nagtataboy sa mga taong nagmamahal sa kanya at maging sa mga tao sa paligid nya. Kaya tuloy, ang buhay nya, malungkot, at miserable.
EMPTINESS
Masyado silang consume ng mga sarili nila. Selfish kung tawagin. Bakit? Wala kasi silang ibang inisip at pinahalagahan kundi ang mga sarili nila. Usually ma-pride sila. Ayaw magpakumbaba at lalong ayaw magbigay. Walang ibang laman ang puso at isip nila kundi ‘ako, ako, ako’. Walang space para sa nararamdaman ng ibang tao. Kaya ang result? Sila din itong maraming kawalan sa huli.
Nakakalungkot kung meron kang mahal sa buhay na bitter, pero mas nakakalungkot kung mismo ang bitter. Hindi mo napapansin na unti-unting kang pinapatay ng inaalagaan mong bitterness. Sana bago mahuli ang lahat, piliin mong makalaya sa bitterness na meron ka. Bakit? Dahil ang bitterness ay lason. Sa sobrang galit at hinanakit mo, umiinom ka ng lason at inaasahan mong ang taong nakasakit sayo ang mamatay pero hindi.. Ikaw ang mamamatay. Piliin mong magpatawad. Tao tayo, lahat tayo nagkakamali. Ang Dios nga nakapag-patawad. Sino tayo para di makapagpatawad?
THINK. REFLECT. APPLY
Kamusta na ang puso mo?
May mga taong bang naka-offend sa iyo?
Anung naging cause ng bitterness mo?
Anung humahadlang sayo para hindi ka makapag-patawad?
Handa ka na bang lumayo at mag-move on?
Chinkee Tan is a well known Filipino motivational speaker. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to be free from emotional pain? You can also check out these other related posts on overcoming pain:
- PAIN CAN MAKE YOU A BETTER PERSON
- What To Do When You Are Emotionally-Abused
- PAIN PAIN GO AWAY
- PAIN PAIN GO AWAY – PART 2
- PAIN PAIN GO AWAY- PART 3 FINALE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.