Pag gising sa umaga, panay patayan sa balita.
Nung nagbukas ng tv, may nakawang naganap.
Tapos nag-switch naman sa radyo, issue sa drugs naman!
Haaaaay!
Nakawawalang gana na tuloy minsan
manuod o makinig sa tv at radyo.
Hindi lang dahil sa nakasisira ng mood
pero, more on “Nakadudurog ng puso”.
Mapapatanong na lang tayo ng:
“What’s happening in the world?”
“Safe pa ba tayo?”
“Kailan ba ito matatapos?”
“Eh Chinkee, gano’n talaga, ano gusto mo gawin namin?”
“Alangan naman, manita kami ng gagawa ng krimen?”
No, of course not.
Pero, alam n’yo bang PEACE starts from within?
Lahat ng nangyayari sa paligid natin ngayon
ay nag-uugat sa problema sa personal na buhay.
Kung ang bawat isa sa atin ay
may malasakit sa bawat isa, it can change lives.
Domino effect na iyan to create
the peace that our world needs.
Anu ano ba yung mga pwede nating gawin to help our nation?
REACH OUT TO PEOPLE
(Photo from this Link)
There are a lot of people na may pinagdadaanan sa buhay.
Pwedeng kasama mo sa bahay, kamag-anak, kaibigan,
ka-opisina o random person.
Minsan ba naalala mo silang tanungin ng:
“Kamusta ka?”
“Ano na ang latest sa ‘yo ngayon?”
Importanteng from time to time ay
kalimutan muna natin ang sarili natin
at maglaan ng oras para sa iba.
Sabihin man nila o hindi ang kanilang pinagdadaanan
at least naiparamdam natin sa kanila
na may nagmamalasakit sa kanila.
Huwag puro sarili lang.
IWASAN ANG TSISMIS
(Photo from this Link)
“Oh, ano naman kinalaman niyan sa ikagaganda ng mundo?”
When we gossip, ano ba yung lumalabas sa bibig natin?
‘Di ba panay masasakit at foul na salita?
“Uy si ________, buntis daw!”
“Bakit siya napili? Di naman magaling ‘yan.”
Lahat ng negative na maisip, sasabihin.
How can we create peace kung
wala na tayong ginawa kundi
pag-usapan ng pag-usapan ang buhay ng iba?
Kung may sasabihin man tayo tungkol sa ibang tao
BE POSITIVE lang!
Try to see the good in them.
At kung wala naman magandang sasabihin
quiet na lang tayo at divert na lang
ang atensyon sa ibang mas makabuluhang bagay.
PRAY FOR EVERYONE
(Photo from this Link)
Pray for the people
who are feeling depressed…
Yung mga feeling hopeless na sa buhay
at kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip
Ipagdasal din natin ang mga sarili natin
na maging instrumento to spread positivity
and peace in everything that we do.
“Walang imposible kung tayo ay magtutulong-tulong.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- May nagawa ka na ba para sa ating bayan?
- Kung wala pa, ano ang sisimulan mo?
- Paano mo ito gagawin?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“2 AMAZING THINGS TO CONSIDER WHEN MANAGING YOUR BUSINESS ”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/afbj-2BGXOI
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT PACKAGE
1 Moneykit + 8 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.