Usong uso ang mga katagang, “Busy ako, e.”
May mga kakilala ba kayong mga sobrang busy?
Pero sa sobrang nilang kabusihan wala naman nangyayari.
Pero yung iba, excuse na lang yung pagiging busy. Ang totoo, ubos talaga ang oras para sa mga hindi gaanong importanteng bagay. At ang kasunod nyan ay stress dahil malapit na ang deadline at hindi na alam kung saan pa kukuha ng oras para matapos ang dapat gawin.
That’s why it doesn’t matter how busy you are. The real issue is in producing the result that you want to achieve in life. If you are busy doing the wrong thing, everything you are doing will be meaningless.
And when you have had a productive day because you have used your time wisely, hindi ka stressed. Chill ka lang kasi you’re on time sa pag-achieve ng iyong mga pangarap.
One of the most important, but difficult thing for most people to do is…
PRIORITIZE
Kung may gusto kang ma-accomplish, kailangan mo munang ISANG TABI ang hindi naman makakatulong sayo.
Tulad ng ano? Unang una na dyan ang mga SOCIAL NETWORKING SITES. Mag-laro ng gaming tulad ng COC at Candy Crushers.
Kung ang Facebook, Free Facebook, Instagram, Twitter, at maraming iba pang gaya nun ay NAKAKAPAGPABAGAL lang sayo para matapos mo ang iyong dapat gawin, mabuti pang kalimutan mo muna ang mga yun habang ikaw ay nagta-trabaho.
Ginagawa mo kasing reason na yun ay PAMPALIPAS ORAS para ikaw ay ma-relax, which is okay lang naman, pero kung karamihan sa oras mo ay napupunta sa pang de-stress instead of sa work, aba hindi na okay yun!
Para hindi maubos ang oras sa mga bagay na nakakahadlang para ikaw ay maging productive, you also need to..
FOCUS
It’s not enough that you know your priorities. You also need to ACT para hindi mo ma bale wala ang mga na-set mong mga priorities.
At magagawa mo yun kung ikaw ay naka FOCUS sa iyong priority. Let’s say ang priority mo ay makipag-usap sa mga client mo para magkaroon ka ng sales, i-off mo muna ang wi-fi o yung data plan mo before and during your meeting. PREPARE for your meeting then concentrate in speaking with each of your client.
Sa ganitong paraan, QUALITY ang maibibigay mo na service sa mga tao na magiging paraan para ikaw ay makatanggap ng blessings.
At higit sa lahat, you need to…
START EARLY
As in early in the MORNING. Huwag maging BATUGAN at dapat gumising ng maaga para madami kang magagawa.
Kung ikaw ay pa-late late, sigurado LATE mo din makakamit ang mga minimithi mo.
And if you start working early, siguradong hindi ka mauubusan ng oras dahil you will spend MORE of your time sa pagta-trabaho para makamit mo ang iyong mga pangarap, kaysa sa pagtulog na puno lang ng mga panaginip.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang nakakaubos ng oras mo?
Puro na lang ba sa pag-chi chill napupunta ang oras mo?
Kung oo, ano ang plano mong gawin para mas maging productive ka?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to start a productive day? You can also check out these related posts:
- WE ARE PAID TO BE PRODUCTIVE, NOT BUSY
- How To Be Productive Even When Stuck In Traffic
- LIVING A PRODUCTIVE LIFE SERIES 1
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.