Dumarating talaga sa buhay natin ang mga pagsubok.
Kung hindi ito parang bagyo, para naman tayong nakakaranas ng El Nino.
Alam natin na this is just a part of life.
Alam natin na ang bawat pagsubok ay may katapusan.
Pero bakit ang hirap ito pagdaanan at tanggapin, kahit alam naman natin na matatapos din ang bagyo o El Nino?
Bakit madali tayong bumigay at mawalan ng pag-asa sa buhay.
Bakit hindi na lang lahat ay puro saya?
Bakit hindi ba pwede mag tagumpay na hindi na dadaan pa sa kabiguan?
But since there are a lot of things that are out of our control, we just have to EMBRACE REALITY.
The more we DENY and FIGHT AGAINST IT, mas lalo lang tayong malulugmok sa paghihirap at tuluyang mawawalan ng pag-asa.
Kung sa tingin mo ay papunta ka na dun sa place of hopelessness, I suggest that you . . .
PAUSE AND ASSESS YOUR SITUATION
Bago ka tuluyang mag-decide na mag-give up sa isang bagay na inaasahan mo, first pause and RELAX.
Wala naman masama kung ikaw ay mag papahinga, ang masama lang kung ikaw ay magpapatalo. Kasi masyado na tayong nagiging emotional, there is always a tendency to just STOP & QUIT.
And it’s also important that while you assess the situation, you will have an OPEN MIND na posibleng may problema at pagkukulang ka din.
Kaya bago ka mawalan ng pag-asa na wala nang mangyayari, tingnan mo din ang sarili mo dahil baka ikaw pala ang KAILANGAN na magbago.
Habang ina-assess mo ang iyong pinagdadaanan, you will be able to. . .
DISCOVER THINGS TO BE THANKFUL FOR
If we are already on the verge of giving up, malamang ito ay dahil NABUBULAG na tayo dahil naka-focus lang tayo sa negativity at mga hindi magandang mga pangyayari.
Pero kapag naging open ang ating kaisipan, we will REALIZE na marami palang magagandang bagay ang pwedeng makapagbigay sa atin ng pag-asa.
For example, pangarap mo maging isang magaling na salesperson, pero dahil maraming beses ka nang nakatanggap ng REJECTION so you are now considering giving up.
But before you finally decide, MAGMUNI-MUNI ka muna. Si Nick Vujicic nga, who was born without limbs, ay kaya na maging isang speaker, ikaw pa kaya na kumpleto ang katawan?
Take time na alisin ang mga mala-basurang mga pananaw para makita mo na marami ka palang dapat ipagpasalamat. Dahil kung nakatuon lang tayo sa mga pangit na bagay, MASASAYANG lang ang pagkakataon na nasa atin if we will just give up.
THINK. REFLECT. REPLY.
Nawawalan ka na ba ng pag-asa?
Sa tingin mo, bakit mo ito nararanasan?
May panahon ka pa ba para tingnan ang mga bagay na dapat ipagpasalamat?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check on these other related posts:
- MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG MAWALA ANG PAG ASA
- PETMALU SA PAGIGING PALAASA
- Ano ang Gagawin Ko Kung Nanlalamig ng ang Aming Pagsasamahan?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.