Ano kayang negosyo ang pwedeng umpisahan?”
“Ay magbenta tayo ng uso ngayon!”
Friend, gusto mo ba ang negosyong ito?
Gusto mo ba siya dahil uso ito ngayon?
O sa tingin mo ba kahit tumagal ito, hindi ka mag-sasawa?
Minsan kasi sumasama lang tayo sa “bandwagon.”
“Ano namang masama kung sumunod sa uso?”
Actually, wala naman.
Hassle lang kapag na-laos na ang negosyo, lilipat na naman sa kung ano man ang uso.
Magpapatuloy kahit hindi natin nabigyan ng pagkakataon mapalago ang negosyo.
Kung baga sa fashion at gadgets ang uso ay panandalian lamang.
“Anong gagawin ko?”
DO WHAT MAKES YOUR HEART LEAP.
(Photo from this Link)
Mahilig ka bang mag-bake?
Mag-mekaniko?
Magbenta ng gadgets?
Isipin mo ang mga bagay na nagbibigay ng saya at nakakatulong makabawas ng stress.
Doon mo subukan i-base ang negosyong gustong umpisahan.
Kapag mahal mo kasi ang ginagawa mo, hindi ka mapagod sa pag-manage nito.
(Photo from this Link)
Ilista mo ang mga bagay na gusto mo at piliin dito ang gusto mong simulan.
Karamihan sa mga successful na negosyante ay nagsimula sa “passion project”, tipong hindi nila iniisip kung may balik ba na “kaching-kaching” o pera ang ginagawa nila.
Do what you love at kung hindi gaanong gusto, subukan mahalin ang ginagawa mo.
“Hindi lahat ng negosyo ay maunlad dahil USO. Minsan, asenso din ito dahil GINUSTO mo”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- May naisip ka na bang negosyong gusto mo?
- Sa lahat ng mga bagay na gusto mo, ano sa tingin mo ang pinakagusto mong pagkakitaan?
- Ano sa tingin mo ang paraan para umasenso ang negosyo kahit hindi na ito uso?
********************************************************************************************************
To learn more on how to become wealthy and debt-free, please subscribe to my YOUTUBE channel by clicking this link https://www.youtube.com/chinkpositive
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.