Nadinig n’yo na ba yung mga salitang:
“New Year, New Me”?
Or isa ka rin ba sa nagsasabi ng ganyan
sa tuwing darating ang bagong taon?
This is a great way to
start our new year with a BANG
ika nga.
Kasi we are setting our minds
na kailangan may mabago
sa ating old habits and ways
na maaaring hindi maganda
o hindi nakatulong sa ating
growth and maturity.
Halimbawa:
- Late natutulog kaka Facebook at Mobile Legends
- Hindi kumakain sa tamang oras
- Kapag sweldo, shopping kaagad
- Allergic sa pag-iipon at pag ba-budget
And when we say NEW YEAR, NEW ME
isa-isa natin DAPAT babaguhin ang mga iyan.
Pero ang problema, kapag
every year na lang natin iyan sinasabi
for the same issues that we had before.
Ano ba ang mga senyales na kahit
bago na ang taon, hindi pa rin tayo
makalalabas sa old habits natin:
HANGGANG SALITA LANG, WALANG GAWA
(Photo from this link)
Madali kasi sabihin na
magbabago na tayo.
Ang kulang sa atin ay yung gawa.
Sabi natin noon: “I’ll choose a healthier lifestyle.”
Pero panay kain naman ng junk food.
Sabi natin noon: “Mag-iipon na talaga ako”
Pero sa tuwing makakakita ng 50% off,
takbo agad sa cashier na nanginginig pa sa excitement.
Sabi natin noon: “Mas bibigyan ko na ng oras pamilya ko”
Pero mas pinipili nating kasama ang barkada
kaysa sa pamilya.
Kapag may sinabi tayo
aaksyunan din dapat natin ito.
Hindi naman tadhana ang kikilos
para sa atin. TAYO ang gagawa ng paraan
para maisakatuparan ito.
SA UMPISA LANG EXCITED
(Photo from this link)
Wow ang saya ang dami nating goals for 2019!
Well written pa sa ating mga naggagandahang planners.
Naka plano kung paano sisimulan
at kailan gagawin.
Pero after ilang months pa lang:
“Ang hirap, ayoko na”
“Di ko pala kaya, tama na ‘to”
“Sa umpisa lang pala masaya”
BOOM! Wala na! Lusaw na ang pangarap.
Kasi sinukuan na natin kaagad.
Kung may gusto tayong maabot,
Kahit gaano pa kaliit o kalaki ‘yan,
Kailangan muna natin dumaan sa hirap at
mga matitinding pagsubok.
Nothing happens overnight.
When you’re about to give up,
always go back to the reason why
you started that goal.
MEMA LANG SA IBA
(Photo from this link)
Magse-selfie sabay ang caption ay:
“#GymSelfie #NewYearNewMe”
“Eating salad now”
“Dami ko ng ipon guys!”
Hindi naman ang caption
o pagse-selfie ang mali,
Ang mali dito ay yung ginagawa
lang natin ito para magyabang,
magpakitang gilas, o mang inggit.
Kung ganito lang ang objective
ng ating goal setting, tiyak,
balik old lifestyle na naman tayo.
Kasi hindi naman talaga tayo seryoso,
gusto lang natin may masabi at
maipakita sa iba.
Hindi natin ginagawa para sa sarili natin.
“Balewala ang mga salitang NEW YEAR, NEW ME
kung tayo’y pabalik balik sa OLD LIFESTYLE PA RIN.”
-Chinkee Tan, FIlipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano yung mga gusto mo baguhing habits?
- Bago na ba ito o matagal mo na sinasabi sa sarili ito?
- Bakit hindi magawa? Anong pumipigil?
-
=====================================================
WHAT’S NEW?
CHINKTV ALL ACCESS (ONLINE COURSE)
For only P1,598 and you can already watch all my video courses for 1 year!
Yes! Unlimited Access For All Videos For One Year!!!
Be A Virtual Professional
Benta Benta Pag May Time
Juan Negosyante
Secrets of Successful Chinoypreneurs
How To Retire At 50
Happy Wife Happy Life-
Click here to register: http://bit.ly/2PCd7Xi Offered for a LIMITED TIME ONLY!
ALL ACCESS TO ALL VIDEOS, Watch and Learn and you are on your way to be wealthy and be debt-free this 2019!
MONEY KIT 2.0
BOXSET: Click here: http://bit.ly/2RyrcZv for P3,499
All 11 books
My new book, BADYET DIARY|
Ipon Can 60k challenge
Free shipping NationwideDIGITAL: Click here: http://bit.ly/2TAzrSr for P2,499
-
Downloadable Ipon Stickers (60k challenge)
Downloadable Badyet Diary (New book)
11 Downloadable Chinkee Tan books -
=====================================================
NEW VIDEO
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Badyet Diary: chinkeetan.com/badyet
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Other products: chinkshop.com
-
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.