Minsan parang ang bilis ng panahon, minsan naman
parang ang bagal-bagal ng oras. Pero kapag may
mga bayarin, ay talaga namang panic mode na naman.
Lalo na kapag sunod-sunod yung due dates. Tapos
nahuli bigla ang sweldo, parang ang hirap-hirap i-badyet
ang kinikita, kaya tuloy hindi maiwasan ang umutang!
Kaya mahalaga, sa simula pa lamang ay alam na natin ang
mga kailangan nating i-prioritize sa ating gastusin.
Kailangan nating isipin ang mas higit na mahalaga.
Dapat may panuntunan din tayo mismo na
HUWAG GUMASTOS NANG HIGIT SA KINIKITA
Kailangan maging matalino at maparaan sa paggastos.
Kung may mga handaan na gusto nating gawin, simulan
na ang pagbadyet para dito.
Tingnan kung saang bilihan ang mas makamumura pero
maganda rin ang kalidad ng kanilang mga paninda. Hindi
naman kailangan laging sa supermarket bumili.
May mga petsa rin na mas mura bumili o kaya t’wing sale para
mas mura nating mabili ang mga grocery items. O kaya naman
bumili sa mga palengke na malapit sa atin.
Ganun din sa mga gamit natin sa bahay, kailangan marunong
din tayo mag-ingat para hindi tayo bili nang bili ng mga bago
dahil nasisira agad ang mga gamit natin.
Kailangan turuan din natin ang ating mga anak at mga
kasambahay na huwag mag-aksaya ng pagkain o
ng mga gamit sa bahay para hindi masayang ang mga ito.
Isa pa na dapat nating isipin ay
IWASAN AT IWAN ANG MGA BISYO
Kung wala namang bisyo, umiwas na dito. Kung
mayroon naman, iwan na ito. Hindi ko na siguro kailangan
pang isa-isahin ang mga dahilan dahil alam naman natin ito.
Ngunit mahalaga na mapaalalahanan tayo lalo na
kung tayo ay isang magulang. Dapat maging
mabuting huwaran tayo sa ating mga anak at marunong gumabay.
Mahirap dumating ang panahon na pangaralan tayo
mismo ng ating mga anak dahil sa nakita nila kung
paano natin hinahayaan na malubog tayo sa utang.
Nararapat lamang na pahalagahan natin ang ating
kalusugan imbes na ang ating mga bisyo. Ganun din
kung may kaanak tayo na kailangan ng tulong natin.
Kailangan tayo rin mismo ang gumawa ng paraan
upang maiwasan nila ang mga taong hindi naman
makabubuti para sa kanila at para sa inyong pagsasama.
At isa pang dapat nating matutunan ay ang
BAWASAN ANG LUHO
Syempre masarap din na kumain sa labas, makapag-
bakasyon sa ibang lugar, mabili ang mga gusto ng
ating anak, pero dapat yung talagang kaya lang din natin.
Hindi naman natin kailangan na umutang pa para lamang
mabili ang mga luho natin o ng ating anak o asawa tapos
sa huli mari-realize natin na hindi pala natin kayang bayaran.
Mahalaga na nagtutulungan sa pamilya at suportahan.
Kung may gusto tayo puntahan o paghandaan,
kailangan na team tayo na bubuo ng tamang budget.
Kung kaya naman, pag-ipunan natin kaysa
iutang natin lalo na kung sobrang laki ng gagastusin.
Kung gusto talaga natin ito, gawan natin ng paraan.
At sa paraan na pipiliin natin, dapat hindi naman natin
ikapapahamak at ikababaon sa utang. Isipin din natin
yung ibang mga options na pwede nating gawin.
“Huwag pairalin ang damdamin sa pangungutang
upang hindi mabaon at ang pera natin ay hindi magkulang.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga prayoridad na dapat bilhin at bayaran?
- Paano ninyo iniiwasan ang mga bisyo?
- Sinu-sino ang mga taong nakatutulong sa inyo upang matuto sa paghawak ng inyong pera?
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.