DISCLAIMER: Bago tayo magumpisa…Ang blog na ito ay tunay na nangyari batay sa mga taong nabigyan ko na payo at hindi nangangahulugan na nangyari sa pamilya namin. At kung paano ko nalaman ang mga bagay-bagay na ito, ito ay dahil nakwento sa akin na aking butihing ama.
Times change so quickly…
Marami nang pagbabago ang nangyayari sa ating mundo.
THROW BACK MUNA TAYO. FASHION
Sa mga babae noong 1970’s , mini-skirt ang uso noon. Sa sobrang ikli at sikip, kapag umupo dapat upong diyes lang, at panay ang hila sa skirt at parati may dalang libro yan para hindi masilipan. (Nag mini-skirt ka pa)
Noong 1980’s, nauso naman ang ang backless and midriff, yung labas ang belly button. Kahit giniginaw at nangangatog na sa lamig ng aircon, keri pa rin, deadma. Para mapangatawan ang uso!
Sa mga lalaki, nauso naman ang mga action-star look, like Robin Padilla. Para silang naka-jacket, hindi ito young binibigay ni Willie R. sa kaniyang show, pero ito yung synthetic leather jacket dahil mas mura at kahit tanghaling tapat, suot-suot pa rin ito; kahit pawis na pawis na ang kili-kili wala pa ring tanggalan.
LOOKS
Sa mga babae noong 1980’s, katakot-takot na spray net na bumubutas sa ozone layer at ito ay ginagawa sa buhok. Pataasan at pakapalan ng buhok kulang na lang ay pugaran ng ibon at magmukhang bird’s nest. (Natatawa ka na lang ngayon, pero ginawa mo rin yan dati, ahhh!)
Sa mga lalake, brush up and usong gupit at nauso na rin yung pag gamit ng sangkatutak na gel na wet look, para ba siyang perm na ginagamit ng mga dating artista noong 1970’s.
Ngayon, nagbabalik na rin yung looks ng mga babae sa lalake naman, pataasan na rin ng buhok na ang nagpatrending ay walang iba na si Daniel Padilla. Kailangan mataas at matigas ang buhok (extra super hold) mo para kahit maapakan hindi masisira.
Sa pagbago ng mundo, nagbabago din ang tao.
Noong unang panahon bago ka makagimik, katakot-takot na diskarte at pagpapakabait ang gagawin mo para makapagpaalam ka sa magulang, na hindi mo pa sigurado kung papayagan ka o hindi.
Ngayon, may mga kabataan na nagsasabi na lang at hindi nagpapaalam at kung hindi mo pinayagan, sila pa ang galit. Sisirain ang araw mo sa pagmamaktol at pagdadabog, ipaparamdam sa iyo kung paano mo sinira ang kanyang buhay dahil hindi ka pumayag.
At kapag tinanong mo galit ka ba o nagdadabog ka ba, bigla na lang magbabago ang hitsura sabay sagot, “Hindi ah! Hindi mo na nga akong pinayagan, nang-iinis ka pa.” (Wow ah! Binabaligatad pa! Ang tawag doon reverse psychology. Sisirain yung araw niyo para pumayag ka na lang sa inis.)
Noong unang panahon sa bahay nag-rereview, patay lahat ang TV at radyo para walang distractions.
Ngayon pansinin mo ang mga anak ninyo paano mag-review, nakabukas ang TV, radyo, may ear phones sa mga tenga, nakaharap sa kaniyang computer or tablet, sabay text pa yan. Kapag pinagpapatay mo, sasabihan ka pa, “Pa, nakakadistract ka, nag-rereview ako.”
Duuuuhhhhh!!!! Nagbago na nga talaga ang panahon at ang tao.
Kaya tayong mga magulang, kailangan maging wais at maidskarte para maka-konek sa ating mga anak. We have to take action to save our relationship with our children. The key is CONNECTION. Kailangan maramdaman ng ating mga anak that we CARE for them and we do not want to CONTROL them. We just need to be reminded that people do not want to be controlled, but want to be cared for.
Hindi natin kailangan maki-uso. Ngunit kailangan natin alamin kung ano ang mundo nang ating mga anak. You got to know the games that they are playing, the music that they are listening, the shows, the website, the people they are with or following at social media.
In other words, parents just like me; WE GOT TO BE INVOLVED. Not to the point na pakialaman na natin lahat, but I know via the old saying, “Mothers know best.” I think it should be rephrased as “Parents know best.” We need to guide them especially if they are under 12 years of age. Kailangan nila ng gabay at ng wisdom, kapag hinayaan lang natin sila, mabibigla ka na lang ng isang araw na hindi mo na kilala ang ating mga anak.
I thank God for giving me a wise wife, who is at the top of the situation, who reminds me and my kids to be cautious of what we do in life.
Just like what God said, “Start children off on the way they should go, and even when they are old they will not turn from it.” Proverbs 22:6
THINK. REFLECT. APPLY.
What are the changes that you noticed with your children?
Have you build enough communication or connection and involvement with your kids?
What are the areas that you need to improve to build the connection and involvement?
Chinkee Tan is Filipino motivational speaker happily married to Nove Ann and living the life with his 3 beautiful children. Thousands of people have been inspired by his wisdom and passion as he is frequently invited to be a motivational keynote speaker to different places. Chinkee Tan specializes in topics such as family, personal development and financial management to name a few. If this article has blessed your life in any way, you can also read his other related posts:
- GUSTO MO BANG YUMAMAN ANG INYONG MGA ANAK?
- An Open Letter To Children of OFW
- How To Improve Parent-Child Relationship: An Open Letter To Parents
- RAISING UP MONEYWISE KIDS
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.