Kaway kaway sa mga kababayan nating OFW
na ginagawa ang lahat lahat lahat para sa
kanilang mga mahal sa buhay na
naiwan dito sa ‘Pinas.
Nakalulungkot lang isipin na
kailangan nilang umalis.
Hindi naman sa sinisisi ang ekonomiya
o ang hirap ng buhay,
sadyang may opportunity lang talaga
sa ibang bansa para mas mabilis makaipon
at makauwi din naman kaagad sa
kani-kanilang pamilya.
That’s the word: MAKAIPON sana…
Nakalulungkot lang na
sila itong kumakayod pero
sila itong hindi kumportable.
Noodles sa umaga, hapon, gabi.
Natutulog kasama ang ibang tao
na hindi nila kaanu-ano, at
ang definition ng ‘off’ nila?
Minsan, yung makalabas lang ng
bahay o opisina, yun na yun.
Pero okay lang, lahat ito ay kinakaya nila,
Lahat ng pagtitipid gagawin,
kahit wala ng matira sa kanila,
makapag-padala lang sa pamilya
ng malaki-laking halaga.
Sabi nga ni Ate V sa movie na “Anak”:
“Sana maisip mo rin…
kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin
para lang makapag-padala ako ng malaking pera rito.
Sana habang nakahiga ka diyan sa kutson mo, natutulog,
maisip mo rin kung ilang taon akong natulog mag-isa
habang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko.
Sana maisip mo kahit kaunti kung gaano kasakit sa akin
ang mag-alaga ng mga batang hindi ko kaanu-ano
samantalang kayo, kayong mga anak ko hindi ko man lang maalagaan.”
Hay bago pa tayo maiyak dito,
may reminder lang ako sa mga nandito sa Pilipinas.
HUWAG UBOS BIYAYA
(Photo from this Link)
Kada padala, hala sige shopping!
Travel travel na walang humpay.
Lahat ng latest gadgets and trends bibilhin!
Aba talaga naman!
Huwag naman tayo gano’n.
“Eh sabi naman niya, mag-enjoy kami.”
Oo, nandu’n na tayo pero
‘wag naman sobrang literal na
tipong wala na tayong tinitira para
sa ibang mas importanteng bagay.
Paano natin gagawin?
MATUTO MAG BUDGET ofw
(Photo from this Link)
Naka latest gadget nga
hindi naman napaayos ang
tumutulong tubig sa kisame.
Nakapunta nga sa Disneyland,
naka promissory note naman sa school ang anak.
Panay bago nga ang gamit,
napabayaan naman ang bayad sa kuryente at tubig.
Unahin muna natin ang importante
Kung may sobra GO ahead!
At kung wala naman, okay lang at least
wala tayong napabayaan, ‘di ba?
Ilista muna natin ang NEEDS
Kapag wala doon, hindi pa ito priority
at the moment. Kalma lang.
PANGARAPING MAKAUWI SILA KAAGAD ofw
(Photo from this Link)
- Paano sila makauuwi kung walang naiipon?
- Paano natin sila makakapiling kaagad kung wala tayong preno sa pag gasta?
- At paano matatapos ang hirap nila na malayo sa atin kung hindi tayo nagtutulungan?
Pangarapin natin na makasama sila KAAGAD.
3-5 years?
Kayang kaya ‘yan kung gugustuhin natin.
“Nakalulungkot na ang kahulugan ng OFW ay Oftentimes Feeling Walang pera.
Hindi na kasi nagtitira sa sarili dahil ipinapadala na ang lahat ng sahod sa pamilya.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivatinal Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sinong mahal mo sa buhay ang nasa ibang bansa?
- Paano mo sila matutulungan?
- Willing ka ba gawin ang lahat para makauwi na sila?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off + 15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“COLLECTING MONEY FROM DEBTORS”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/2X2x1OORnZU
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life”
Registration: P950 per couple
Early Bird Rate: P750 per couple
March 10, 2018/ Victory Greenhills San Juan
A Seminar Featuring Chinkee and Nove-Ann Tan and Julius and Tintin Babao
“To Build Stronger Marriages One Couple At A Time.”
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.