Bakit gusto nating yumaman?
Kasi gusto nating mabigyan ng magandang buhay
ang mga taong mahal natin.
Gusto nating mabilhan sila ng mga bagay na kailangan nila.
Makakain ng mga masasarap na pagkain.
Makapunta sa mga magagandang lugar sa mundo.
Makabili ng gamot at maipagpagamot ang mga taong
mahalaga sa atin. At higit sa lahat, magkaroon ng
maginhawa at masayang buhay kasama ang ating pamilya.
Ito yung gusto natin, ‘di ba?
Pero kapag dumating sa punto na successful na tayo,
kailangan alam din natin ang mga dapat iwasan.
Kailangan alam din natin ang mga bagay
na magpapabalik sa atin sa kahirapan at
magdudulot lamang ng pagkabigo at kalungkutan.
HUWAG SUBUKAN ANG SUGAL AT DROGA
Ang sugal is a game of chance. Success is never a game
of chance. Success is made based in daily choices and
decisions that we make in our lives.
Ang drugs naman, ay grabe! Kaya n’yang alisin
ang lahat ng mayroon tayo in just a blink of an eye.
We can lose everything that we have.
Parehong addictive ang dalawang ito. Kaya nakasisira
ng buhay at nasasayang lamang ang mga pinaghirapan
sa buhay at hindi na nagiging productive.
“Gusto ko nang magbagong buhay.”
“Last na talaga ito.”
“Hindi na mauulit. Sinubukan ko lang naman.”
Sad to say, kahit may pag-asa pang magbagong buhay,mahirap ang pagdadaanan para sa pagbabago na ito.
Marami rin ang maaapektuhan lalo na ang pamilya.
Masasayang lang ang panahon natin para piliting
magbago imbes na kasama natin ang ating pamilya.
Ang tama, sa simula pa lamang ay iiwasan na natin ito.
Kaya dapat..
NEVER ASSOCIATE WITH WRONG PEOPLE
May dalawang klase nga daw ng kaibigan –
Ang kaibigan na makakasáma (a companion).
At ang kaibigan na makakasamá (a bad influence).
We need to take steps in choosing the right
companions and relationships because
there are users who will take advantage of our weaknesses.
“Ako bahala sa ’yo. Sagot kita.”
“Subukan mo lang muna. Masaya ito!”
“Makakalimutan mo problema mo dito.”
Ilan lang ‘yan sa mga sinasabi ng mga taong may ibang intensyon.Kaya mahalaga na tingnan natin kung paano sila mamuhay.
Kung paano nila hinaharap ang hamon ng sarili nilang buhay.
Kailangan tayo na mismo ang kumilatis ng mga taong
tatanggapin natin sa buhay natin. Hindi lamang dahil
mapera at may kapangyarihan kaya natin sila kakaibiganin.
Kaya ang maipapayo ko ay..
BE GRATEFUL AND LOOK BACK FROM OUR HUMBLE BEGINNINGS
Hindi tayo naging matagumpay sa buhay nang
tayo lamang mag-isa. Mahalaga na kilalanin natin
ang mga taong tumulong sa atin at gumabay sa atin.
Ito ang mga taong nagtatagumpay sa kanilang buhay
at handang tumulong sa ibang tao. Handang
gumabay at maging inspirasyon sa iba.
These are the people that we need to treasure
and be thankful for because they guide us in the right
path to achieve our own success in life.
Sila ang magiging inspirasyon natin para
maging inspirasyon din tayo sa iba at makatulong
din sa iba na abutin ang kanilang tagumpay.
“Huwag nating sayangin ang ating tagumpay sa buhay.
Gamitin natin ito para maging inspirasyon at upang gumabay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano ka nagsimula bago mo natamasa ang iyong tagumpay?
- Sinu-sino ang mga taong tumulong at gumabay sa ’yo?
- Anu-ano ang iyong mga layunin upang makatulong at maging inspirasyon sa ibang mga tao na maabot ang kanilang tagumpay?
====================================================
WHAT’S NEW?
IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098
To order, go to https://lddy.no/8wsr
IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349
To order, go to https://chinkeetan.com/ipmkit
MASTER PROSPECTOR LIVE SEMINAR for P599 (early registration)To register, go to https://chinkeetan.com/prospector
CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)
for only P1,598 instead of P6,392
To register, go to https://lddy.no/8vbk
Ipon Pa More
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“NEGOSYO TIPS: START YOUR OWN BUSINESS IDEA NOW!”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/mphyGNqs0mU
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Iponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplanner
Moneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Other online courses: chinktv.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.