Ano ba ang kagandahan ng online business?
Sa online business, mas maliit ang kailangan
na puhunan kumpara kung rerenta pa tayo.
Kailangan talaga malinaw ang target natin na
mga customers at kung ano ba talaga ang content
ng online business natin para may focus tayo.
Mahalaga rin na maganda ang serbisyo natin para
maganda ang feedback or testimonies ng mga
customers natin at bumalik sila sa store natin.
Ilan pa sa mga tips para maging patok ang
inyong online business ay ang mga sumusunod:
PUT YOUR URLS AND LINKS ON ALL YOUR ADS
Kailangan visible ang ating mga social media accounts
sa mga customers natin at sa mga potential clients
natin. So ilabas nating lagi ang ang ating mga links.
Always put the clickable links kung saan at paano nila maaring
ma-order yung products natin.
Kahit anong social media account man ‘yan, Fb, Twitter,
Instagram or YouTube.. kailangan, makikita ng mga
customers kung saan sila pwedeng makapag-order.
Maximize all the social media accounts para makilala
at mas madaling makita ang online store or site mo.
And let the online world know your products.
‘Yan naman din ang goal natin kaya tayo nag-online business.
So mahalaga ang visibility at kailangan responsive tayo as much
as possible sa mga clients lalo na sa mga inquiries nila.
GIVE DIRECT CALL TO ACTION
Call to action is something that we want our subscribers or
followers to do. Ito yung gusto nating gawin nila para
tumaas ang engagement natin at mas makilala tayo.
“Follow us in our FB page”
“Subscribe to our channel.”
“Click this link to order.”
Those are samples of calls to action. Also, if you have promo
or giveaways, make sure to give Call To Action on how to
avail or join whatever promo or giveaways that you have.
Sa ganitong paraan din malalaman kung working ba ang
promo mo or yung ads mo kasi may engagements na
nangyayari unlike kung walang Call To Action, mahirap.
Mahirap alamin kung effective ba ang ginagawa natin at
kung paano pa tayo mag-iimprove sa ating mga promotions
and advertisement para makilala ang business natin.
INCLUDE RIDE-ALONG TO SHIPMENT
Kung may deliverables naman or may shipment ang
products natin, samahan na rin natin ng brochure or leaflet
para maging aware ang clients sa ibang products natin.
Ang goal natin dito ay mas maging aware ang clients
at ibang possible clients natin. Hindi naman kailangan
na bongga ang print ads natin, ang mahalaga malinaw.
Nandu’n ang online shop natin, contact details, nandu’n
din ang mga social media accounts natin at pati ang
mga products and other services that we are also offering.
Sa ganitong paraan, it can also serve as a reminder
sa mga customers natin about our online business.
Aside from the fact na maganda rin ang ating service.
Kaya sa online business, kailangan dedicated tayo sa
papasukin natin at mahalaga rin na alam natin ang lahat
ng pasikot-sikot para hindi rin masira ang brand natin.
“Kaya sa online business, kailangan ding pinaghahandaan.
Hindi lang post nang post kung gusto mo ang business mo ay pangmatagalan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May focus na ba ang online business mo?
- Ano ang mga social media ang pwede mong gamitin?
- May mga naisip ka na bang paraan para mas tumaas ang engagements mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.