Housewife ka ba o yung tinatawag na “Stay-at-home mom”?
Nabuburo ka na ba dahil parati ka lang nasa bahay?
Kung never kang nakapagtrabaho at ever since ng pag-graduate mo ay naging housewife ka na agad. Pwede mong ma-feel na parang nasayang lang ang iyong pinag-aralan.
Kung na-experience mo naman na makapagtrabaho pero pinatigil ka ni mister na magtrabaho, dahil sapat naman ang kinikita niya. Pwede mo din ma-feel na sayang yung additional income na pwede mong maitulong sa inyong pamilya.
Kung may special needs ang inyong mga anak, kaya kelangan mo silang tutukan. Pwede mong ma-feel na wala kang choice dahil hanggang taga-alaga ka nalang ng mga anak mo.
Some may have overlooked the value of being a housewife. But let me tell you the truth, hindi biro maging isang housewife. This is not a simple domestic responsibility, but a major responsibility. Never entertain the idea na wala kang silbi dahil sa bahay ka lang naman; na wala kang kwenta; na wala kang naitutulong. Never ever declare, “Na housewife ka lang” or “Stay-at-home mom ka lang”.
To all the housewives, let me tell who you really are….
YOU ARE A HERO
Ang mga bayani ay considered as such dahil may mga sinakripisyo sila. In your case, ang sinakripisyo mo ay ang iyong career, your dreams, trabaho, ability na makapag-produce ng income for the family, iyong passion, iyong time, etc.
Ang housewife, di tulad ng regular day jobs, ay walang day-off. Open ang iyong serbisyo 24/7 para sa iyong pamilya. You transform into a SUPER HELPER on a daily basis; laba dito, linis dyan, plantsa dito, luto dyan. You transform into a SUPER ACCOUNTANT every end of the month; budget dito, balance ng ledger at bayad ng bills dito at doon. You transform into a SUPER NANNY & NURSE; mag-aalaga ng anak diyan, magpapainom ng vitamins, magpupuyat kung may mga sakit. In other words, all around ang iyong service for your family 24 hours a day, 7 days a week. Kahit si Superman, hindi ito kayang gawin.
Ngayon, maitatanggi mo pa bang hero ka?
YOU ARE IMPORTANT
Sa tuwing maiisip mo na ang pagiging housewife ay “lang” para sa iyo, think a million times.
Huwag mong maliitin ang iyong role sa lipunan, lalo na sa iyong pamilya. You are an essential part of your family and society. Pero dapat ikaw mismo ay naiitindihan mo yun.
Subukan mo lang mag day-off at ipaubaya mo sa asawa mo ang ginagawa mo, try mo lang. Wag kang mag linis, mag luto, hayaan mo lang ang mga bata, wag mo silang paliguan, umalis ka ng bahay. Ano sa tingin mo ang mangyayari? Ang naiisip ko na word na best na magde-describe sa posibleng mangyari ay ito: CHAOS!
Ngayon, maitatanggi mo pa ba na hindi ka mahalaga?
I would like to take this opportunity to thank all the housewives and stay-at-home moms who have given up their careers and set aside their personal dreams to take care of the family and be a fulltime mom. This blog is especially dedicated to my wife, Nove Ann who did the same. “I love you, mahal!”
Becoming a housewife is a PRIVILEGE, not an OBLIGATION.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kung housewife ka, eto ang dalawang punto na lagi mong tandaan:
You are a HERO. You are IMPORTANT.
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Check out these related articles on how to appreciate your spouse:
- THE VALUE OF BLESSINGS FROM MY HAPPY WIFE
- An open letter to my dear wife Nove Ann, 18th year
- FROM AN ENLIGHTENED HAPPY WIFE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.