Naranasan mo na bang paghintayin ng
isa, dalawa o mahigit tatlong oras
sa mall, opisina, o kaya sa kainan?
Naubos mo na yung libreng chips
at tubig sa restaurant,
aba, wala pa din yung ating kasama?
Lahat ng tao nabilang mo na,
memorize mo na nga pati bawat sulok
ng establishment, yung mga kausap
natin ay Missing in Action pa din!
“On the way na ko!”
“Malapit na ako, sorry.”
“Nakaalis na ako, traffic lang sobra.”
Pero ang totoo, kagigising lang.
Malapit na daw pero kaa-alis lang pala.
Sinisi na lahat ng pwede sisihin:
- Traffic
- Jeep na mabagal magpatakbo
- Hindi makasakay
- Umuulan ‘daw’ sa lugar nila
Okay lang kung minsan dahil
hindi naman din maiiwasan pero
kung parati na lang tayo nagrarason
para bolahin yung kausap para
hindi magalit at hindi tayo layasan,
may mali na du’n, friend.
Tayo lang ang convenient at
hindi man lang natin sila naiisip.
Kailangan natin tandaan na:
MAHALAGA ‘DIN’ ANG ORAS NILA
(Photo from this Link)
Kung tayo ayaw natin naghihintay,
ayaw nating binobola bola lang sa mga dahilan,
gano’n din sila.
Ang oras, mahalaga ‘yan eh.
‘Di ba sabi nga, kung pwede lang na
mas mahaba pa sa 24 hours, mas maganda,
kaso hindi eh.
We only have limited time.
They only have limited time too.
Naglaan sila ng panahon para makipagkita
sa atin, kaya sana, pahalagahan natin ito.
Set a time na pabor sa bawat isa,
then STICK TO IT.
HUWAG MANISI NG MANISI oras
(Photo from this Link)
Ang Pilipinas, traffic na ‘yan to begin with.
Kahit tumambling tambling pa tayo,
mapa holiday pa ‘yan o weekend,
hindi na natin maiaalis na bumper to bumper
na talaga sa ating bansa.
Ang solusyon?
Magset ng alarm sa telepono at
idistansya sa kama para ‘di panay ang snooze.
As a contingency plan, magpagising din kay nanay.
Umalis ng maaga!
Kung kailangang madaling araw umalis,
go ahead para lang umabot.
Mahirap sumakay?
Find the best possible way
to reach our destination.
Tayo ang mag-a-adjust at hindi laging
yung mga kausap natin ang
humahabol habol sa atin.
HUWAG TAYONG DRAWING oras
(Photo from this Link)
Ano yung drawing?
Yung sabi natin, tuloy tayo, ‘di naman pala.
Sabi natin, malapit na, eh kalalabas lang pala.
Nagtext tayong “on the way na me”, eh halos
nanigas at inamag na yung kausap natin,
wala pa din tayo.
Huwag natin silang lokohin.
Ma’no ba namang magsabi tayo ng totoo ‘di ba?
Then be sincere na hindi na mauulit.
Kasi baka mamaya magsawa na sila sa mga alibi natin,
sa bandang huli, sukuan na tayo.
- Sayang yung CLIENT!
- Namiss ni friend yung mga lakad niya kaa-adjust sa atin.
- Hindi umabot si kumare sa raket niya kahihintay.
- Namiss ni pinsan yung flight niya kasi pinaasa nating ihahatid siya.
See?
Madaming napeperwisyo at naaapektuhan.
Tuparin yang drawing na ‘yan.
Huwag paasa.
“Iwasang magsabi ng “Malapit na ko” o “OTW na ko” lalo na kung kakaalis lang pala.
Dahil ang ending, para na lang silang pinapaasa at pinaghihintay sa wala.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay madalas maghintay o magpahintay?
- Kung magpahintay, bakit? ano dahilan?
- Paano mo babaguhin ang ganitong habit?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“BUSINESS TIPS: Learn before you Start a Business”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Khk5Os
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.