“Gobyerno talaga may kasalanan eh!”
“Baha nanaman! Hindi naman kasi inaayos ang drainage system natin!”
“Ang gulo dito sa Pilipinas. Nakakatakot na lumabas.”
“Hay, sa MRT na lang may forever.”
Ito kadalasan ang naririnig o nasasabi natin these days. Biruin mo nga naman kasi, ke-aga aga, parang ang dami nating nakikitang mali sa ating bansa na nagiging ugat ng pagka-dismaya.
Pero ni minsan ba, sa gitna ng init ng ulo, eh naisip ba natin na baka meron tayong na-contribute dati na nag resulta sa kalagayan ng bansa ngayon?
Natanong ba natin sa sarili natin kung tayo ba ay may nagawa na para makatulong sa ating bayan?
O di kaya’y, anong pwede natin pang maitulong para maging kabilang tayo sa tunay na pagbabago?
Ano nga ba?
HUWAG MAGKALAT
Parati nating nababasa na ang maliit na basura ay ibulsa muna o di kaya’y itapon ang kalat sa tamang basurahan–biodegradable, non-biodegradable, etc.
Itong mga simpleng bagay na ito, maliit man ang basura, kapag pinagsama sama ay napaka laki ng epekto sa atin. Kung magtutulungan tayo by starting in our own homes, hindi magbabara ang drainage natin at maayos na makaka daloy ang tubig. At the same time, magiging malinis ang ating kapaligiran.
SUMUNOD SA BATAS TRAPIKO
Araw araw, nauubos na ang oras ng tao sa sobrang traffic.
Noong minsan nga bumili ako ng tuta, sa tagal ko sa trafik, pag-uwi ko, naging aso na!
It is a given fact na meron tayong malaking problema sa ating lansangan, pero huwag na sana nating dagdagan pa by violating simple and basic rules.
Kung red ang stoplight, tumigil na tayo and patiently wait for it to turn green
Sa mga tumatawid, huwag na makipag patintero sa mga sasakyan at tumawid sa tamang tawiran tulad ng pedestrian lane, footbridge or overpass
Kung magbababa o maghihintay ng pasahero, please huwag naman sa gitna ng kalsada
Kapag naipit na sa traffic, accept it at huwag na tayo makipag siksikan, makipag gitgitan, at makipag palakasan ng busina
MAGBAYAD NG BUWIS
Ang buwis ang siyang nagiging pondo ng bansa para ma-improve kung anong meron tayo tulad ng karagdagang ospital, tren, drainage system, o kaayusan ng daan.
Siguraduhin nating ginagampanan natin ang ating tungkulin na magbayad ng buwis dahil ito ang isa sa paraan para maisaayos ang ating bansa.
“Paano naman Chinkee, kung kukurakutin lang naman yung mga buwis”
Ang ating tungkulin ay magbayad ng ating buwis, at kung ito man ay kanilang lalapastangin, hindi na tayo ang may control doon. Huwag tayong mag-alala, may pagkakataon tayo sa halalan na ito ay pwedeng baguhin.
Be honest. Be consistent. Makipagtulungan ka.
LOVE YOUR COUNTRY
No other person can love the country more than the people who are in it–sino yun? TAYO YUN!
Mahalin natin ang bansa natin by supporting one another and by avoiding saying negative comments. Accept that every country have their own imperfections as well, pero kung united tayo at lahat tayo ay magtutulungan at makiki-cooperate, magiging mas madali mag-isip on how we can make this a better place to live in.
Wala namang impossible.
THINK. REFLECT. APPLY.
Nakapag pakita ka na ba ng maganda para sa ating bansa?
Paano ka makakabawi at paano mo maipapakita ang pagmamahal sa ating inang bayan?
Handa ka na bang makisali sa pagbabago?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Check on these related articles:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.