Ikaw ba yung taong hirap na hirap na maging masaya para sa iba?
Yun bang para sa kanila eh, magandang balita, pero para sayo ay torture? Gusto mo man pilitin maki celebrate pero mabigat sa iyong kalooban?
Halimbawa:
Siya : “Uy, na promote na ako!”
Ikaw : “Ah okay” (Di naman siya deserving.)
Siya : “Alam mo ba matatapos na namin hulugan yung bahay”
Ikaw : “Eh di mabuti” (Hmmm, saan niya kinuha ang pambayad?)
Siya : “Ikakasal na ako!”
Ikaw : “Congrats” (Bakit siya lang, paano naman ako?)
Ito yung mga time na kung pwede ka lang sana hindi mag react, pero iba naman ang nararamdaman mo tuwing may naririnig ka na mga ganito.
Gusto mo na lang magbingi-bingihan. Pilit mo man makisaya pero iba talaga yung feeling mo.
Gaya nga ng sabi ko kanina, torture para sayo ang makarinig tungkol sa success ng iba.
Sometimes, it is really hard to rejoice and join in the happiness of others lalo na kapag yung inaasam asam mo ay sa iba napunta.
Pero alam niyo bang mas magaan ang pakiramdam if we can just be happy for them instead of feeling bad about it?
Paano nga ba maging masaya para sa iba?
BE HONEST
Aminin mo ang iyong tunay na nararamdaman. Huwag mong i-deny na hindi ka apektado. Kung hindi ka apektado, bakit panay ang comment at pintas mo sa iba.
“Hindi naman siya magaling, sinuwerte lang!”
“Hindi naman siya ang mahal, mayaman lang siya.”
“Hindi ko nga alam kung paano niya nabayaran ang bahay niya, eh ang liit lang naman ng sweldo niya.”
If you really want to truly rejoice with others, you have to first admit that you have a problem of insecurity.
MAKE A CHOICE
Kung dati kapag may magandang balita eh obvious na obvious sa mukha mo at pananalita mo ang bitterness, maybe it’s time to try practicing to make a choice to say good things and rejoice with them.
Iwasan mo ang magsabi ng negative comments. If you have nothing good to say, just keep quiet.
Maniwala ka, mahirap ito sa umpisa, pero kapag pinaktris mo, masasanay ka din.
ACKNOWLEDGE THAT YOUR TIME WILL COME
Natatandaan mo ba yung mga instances na nagtagumpay ka at may mga bumati sa iyo ng:
“I’m happy for you!”
“Ang galing galing mo naman!”
“You deserve it”
“Congratulations!!!”
‘tapos sila ay hindi pa naranasan yung ganoong klaseng achievement? Masarap sa pakiramdam na masaya sila para sayo, hindi ba?
Ganun lang din iyon. Ang ibig sabihin ay ang buhay ay paikot-ikot lang–may mga oras na turn mo mag succeed, pero this time, oras naman nila kaya respect them and give them what they deserve.
Tandaan mo na hindi ito rason para mainggit o sumama ang loob dahil darating din yung panahon mo, just wait for the “carousel” to turn.
APPRECIATE WHAT YOU HAVE
Kung hindi mo pa nae-experience ang promotion tulad niya, okay lang yan! Kasi masaya ka naman sa trabaho mo at mga kasamahan.
Kung wala ka pang sariling bahay tulad niya, okay lang yan! Kasi malapit mo na mabuo yung pinag-iipunan mong dream house.
Kung hindi ka pa ikakasal tulad niya, okay lang yan! Kasi alam mong pinaghahandaan ni God ang “Mr. Right” mo.
Napaka dami mong pwedeng ipagpasalamat sa mundo. Magmasid ka lang sa paligid mo. I’m sure na mabubuksan ang mga mata at puso mo. Always choose to look on the bright side.
When success happens to others, hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo by feeling angry, bitter, and frustrated. Huwag ka magmukmok sa isang tabi but instead, accept wholeheartedly and make a decision to be happy for others and tell yourself that your time will come.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ba yung tunay mong nararamdaman kung may na achieve yung mga friends at kamag-anak mo?
Meron ba bahid ng kaunting inggit at kurot sa puso?
Paano mo babaguhin ang nararamdaman mo?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.