Bilang isang motivational speaker, isa sa mga “frequently asked questions” everytime I give talks ay
“Paano ba ako mag-uumpisa ng sariling pagkakakitaan?”
Naniniwala ba kayo na mahirap malimutan ang mga narinig at naranasan mo noong ikaw ay bata pa. Ako ay isang produkto ba-se sa mga sinabi ng aking magulang noong ako ay bata pa.
Hindi ko malimutan iyong sinabi ni nanay nung dumaan kami sa matinding kahirapan dahil nalugi sa negosyo ang aking ama.
“Anak, gusto mo bang lumabas tayo sa ganitong kalagayan.”
“Opo!”
“Mag umpisa ka ng iyong sariling pagkakakitaan. Bakit mo papa-yamanin ang ibang tao kung kaya mo payamanin ang sarili mo?”
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako naging ganap ng entrepreneur. Tumatak ang kanyang mga salita sa aking isipan na hindi ko na malimutan habang buhay.
Kung hindi mo naman ito narinig at kinalakihan ito noong ikaw ay bata pa, hindi ito kasalanan ng iyong magulang dahil wala rin nagsabi sa kanila. Kaya minumungkahi ko kayo, kung gusto niyo mag-umpisa ng inyong sariling pagkakakitaan, ito ang dapat gawin:
BAGUHIN ANG MINDSET
Hindi pa huli ang lahat. Kahit may edad ka pwede pa rin magbago kung magbabago ang iyong pananaw sa buhay. Ika nga, you change your way of thinking, you change your way of living.
BAGUHIN KUNG ANO ANG SINASABI SA IYONG SARILI
Huwag maging negatibo, always #chinkpositive
Kung saan ka naka-focus yung po ang mangyayari. Huwag mong isipin na hindi kikita, isipin mo na magiging blockbuster ito!
Huwag mong isipin na walang tatangkilik, isipin mong maraming magkakagusto sa iyong produkto at serbisyo. Dapat maging positibo at isipin na kung kaya nila, kaya mo rin.
Lakasan ang loob at galingan ang diskarte.
BAGUHIN KUNG ANO ANG SINASABI SA INYONG ANAK
Simula sa araw na ito, bago pumasok ang iyong mga anak, iba na ang sasabihin mo, “Anak, mag-aral kang mabuti, para pag graduate mo makapagtayo ka ng sariling mong pagkakakitaan para mas madali ang pag asenso!”
“Bawal maging NEGA. Huwag mong isipin na mabibigo ka. Isipin mo, MAGTATAGUMPAY KA!
–CHINKEE TAN, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, ano ang madalas mong marinig sa iyong mga magulang noong ikaw bata pa?
- Ano ang madalas nilang sabihin sayo?
- Sa palagay mo, pwede pa ba itong magbago?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.