Ano ang isa sa mga pinaka frustrating na mangyari sa buhay mo?
Nagkakandakuba ka na ba sa kakatrabaho pero kulang pa din ang kinikita mo?
Panay na ba ang overtime pero hindi pa din sapat ang extra pay para sa mga bayarin?
Kanan at kaliwa na ba ang sideline pero kinakapos pa din ang perang dumadating?
Kung sumagot ka ng madamdaming “OO!”, narito ang ilang tips ko para sayo:
VALUE YOUR TIME
Actually, mas mahalaga ang oras kaysa pera. Unlimited ang pagpapadami ng kaperahan pero ang oras mo ay LAGING NABABAWASAN at hinding hindi mo kailanman madadagdagan.
Bata o matanda, mahirap o mayaman, pare-parehas tayo na may bente kwatro oras sa isang araw. Ang pinagkaiba lang ay ang pinagkakaabalahan at PINAGLALAANAN ng oras natin. Always value and apply time management in your daily schedule.
Once you received your earnings, ano ang activities na ginagawa mo using it? If you really want to increase your income, spend your time doing MONEY-GENERATING ACTIVITIES. Kasabay ng activities na yun, you also need to spend your time …
LEARNING FROM OTHER PEOPLE
Parang yung kasabihan lang yan na, “Birds with the same feather flock together.” Kung ang goal mo is to increase income, join the people with the same goal as yours who will inspire and help you to reach that goal.
Imbis na mag hang out ka on a Friday night, why not attend a seminar that will have great influence in fulfilling your dreams? At imbis na chismis ang laman ng kwentuhan, bakit hindi ka mag join sa usapan na mas makabuluhan?
By spending most of your time with the people to whom you can learn, mahahawa ka sa pagiging focused nila sa goal, sa pagkakaroon ng positive outlook nila sa buhay, at matututunan mo din yung technical knowledge about the certain goal you want to achieve.
At siyempre, if you want to increase your income, you need to …
SAVE AND DECREASE YOUR EXPENSES
Gaano man kalaki ang kinikita mo kung panay din naman ang gastos mo at walang naitatabi, kakapusin ka talaga.
You always need to remember to SEPARATE your wants and needs. Bawasan ang paggastos sa mga UNNECESSARY things. Ano ano ang mga unnecessary things? Alam mo na yan!
At dahil binabawasan mo ang paggastos for wants, meron ka nang mailalaan for your savings. And this will be a very good sign that you’re starting to increase your income.
Lastly, you need to …
STOP ACTING LIKE VICTIMS AND START ACTING LIKE VICTORS
Huwag mo nang sisihin ang pamilya, boss at gobyerno kung bakit kulang ang kita mo! At the end of the day, IKAW naman talaga ang may final decision kung ano ang gagawin sa pera mo.
Take RESPONSIBILITY sa bawat actions mo. Ang mga winner ay yung mga marunong umako ng pagkakamali, handang matuto mula dun sa pagkakamali in the past, at kayang tumayo at lumakad muli towards the goal.
Kaya huwag mo nang sayangin ang oras mo kakaisip na ikaw ay isang hamak na biktima lamang. Ilaan mo na lang ang oras mo sa pag-internalize na ikaw ay PANALO sa laban ng buhay dahil yun ang mag-momotivate sayo to make ways in increasing your income.
THINK. REFLECT. APPLY.
What are the things that consume your time?
Are you saving enough and decreasing unnecessary expenses?
Are you ready to start acting like victors and take responsibility with your own resources?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate trainer to different organizations.
Are you ready to start managing your finances? You can also check out these other related posts:
- Biggest Money Mistakes People Often Make Series: NO EMERGENCY FUND
- 5 tips to make your money grow in 2015
- RAISING UP MONEYWISE KIDS
- 5 THINGS YOU SHOULD NEVER DO WHEN YOU HAVE MONEY
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.