Narinig mo na ba ang kasabihang “Better late than never”
Isa itong malaking kamalian dahil kahit saan mang anggulo tingnan, walang magandang maidudulot ang pagiging late. Kaya nga may kasabihang “Time is gold” dahil bawat segundo ay mahalaga. Time lost equals profit lost.
Kung ikaw ay empleyado at na-late, may salary deduction.
Kung ikaw ay negosyante at na-late, iiwanan ka ng iyong ka-business meeting.
Kung ikaw ay estudyante at na-late, may demerit sa attendance.
Kung ikaw ay mamimili sa palengke at na late ka, bilasang isda na ang maabutan mo.
Hindi maganda na parati na lang nating idadahilan ang traffic sa EDSA.
Given na yun. Ang tanong, may magagawa ba tayo para tayo ay maging early bird? Heto ang tatlong simpleng tips:
BE MORE CONSCIOUS OF TIME
Pansinin mo ang mga kilos mo sa isang araw. Irecord mo ang oras na nako konsumo ng bawat activity. Mula dito, malalaman mo ang root cause ng iyong pagiging late.
Masyado bang time consuming ang pagbangon mo sa iyong higaan dahil hirit ka ng hirit ng five minutes sa snooze button?
Masyado bang time consuming ang pagligo mo; pagpili mo ng damit; pag check mo ng iyong social media account o kaya ang iyong pag kain ng breakfast?
Sa pamamagitan ng paglista ng mga gawain sa loob ng isang araw, ma-evaluate mo kung saan napupunta ang oras mo.
CUT, CUT, CUT
Kapag ikaw ay nagiging conscious, malalaman mo na ang mga simpleng gawain na kumakain ng oras mo. Sa mga gawaing ito ka dapat mag-cut ng oras.
Halimbawa: 30 minutes ba ang normal mong pagligo? Magpraktis ka na gawin itong 20 minutes. Makakapag-save ka pa ng 10 minutes para sa iyong byahe in case na malala ang traffic.
Isang oras ka ba naghanap ng masusuot? Cut the time sa pamamagitan ng paghahanda nito the night before.
Kung ang mga nanay may menu for the week para sa pagkain, ikaw rin dapat may menu for the week para sa iyong susuotin. Mas makakatipid ito ng oras kaysa sa umaga ka pa magha-hunting ng masu-suot.
Huwag ka muna mag check ng iyong status sa FB, sa biyahe mo na lang gawin, doon mo gamitin yung oras.
REPEAT THE PROCESS
May kasabihan nga, “If you form a new habit, the new habit will form you.”
Kapag ginawa ang isang gawain sa loob ng 30 days na sunud-sunod, ito ay magiging habit, magiging parte na ng sistema mo.
Kaya maging habit ang magcheck ng sarili, ang pagtitipid ng oras at ang paghahanda.
Mahirap alisin ang habit ng pagiging late pero sa tamang pag-repeat ng mga nasabing tips, magiging habit mo rin ang pagiging early bird!
Tandaan na kahit kailan, walang magandang mai-idulot ang pagiging late.
Better maging early!
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano-ano ang mga bagay na kumukuha ng malaki sa iyong oras?
Paano ka makakatipid ng oras?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Check on these other related posts:
- ONE SIMPLE AND GREAT IDEA PARA LUMEVEL-UP ANG IYONG BUHAY
- ONE BUSINESS AT A TIME
- How to Live Life One Day at Time
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.