Sa kultura nating mga Pinoy, usong-uso ang utang.
Napansin n’yo rin ba mga kapatid?
Mapa-kamag-anak man o kaibigan.
Utang na pagkain, utang na pasyal,
utang na pera at utang na loob! (…parang awa mo na).
Ang simpleng pag-uusap ay umaabot
hanggang sa pagkukwento ng talambuhay.
Hanggang sa lumalim na ang pagkakaibigan.
Naging kumportable na sa isa’t isa.
At tila hindi na mapaghiwalay ng tadhana.
Para bang instant BFF’s.
Hanggang sa madinig na ang katagang:
“Friend, may pera ka ba diyan?”
“Pautangin mo naman ako”
Yan na, diyan na minsan mas tumitimbang
ang pera over friendship.
The love for money becomes the root of evil.
Kaya kung naging daan ang pagkakaibigan
para lumakas ang loob makapangutang,
wala naman masama dito pero
huwag naman hayaang masira ang samahan
lalo na ang hindi pagbabayad.
Kaya’t just a friendly reminder to everyone:
KUNG MANGUNGUTANG, DAPAT KAYANG BAYARAN.
(Photo from this Link)
Dahil nasa friendship corner na kayo ni friend
na may ‘K’ nga naman talaga sa buhay,
hindi naman ibig sabihin na pati ang kabaitan ay aabusuhin.
Ang financial responsibilities natin ay hindi responsibilidad ng iba.
Utang mo, bayad mo.
Hindi utang mo, kalimutan mo.
KUNG UTANG, UTANG LANG. WALANG PERSONALAN.
(Photo from this Link)
Never mix personal matters to other concerns.
There is always a fine line between everything.
Kailangan nating malaman ang tamang position
sa anumang sitwasyon.
Kung ang problema ay ang pangbayad ng utang…
Pag-usapan lang ito para makapag compromise.
Hangga’t maaari ay iwasang maging issue
ang pangungutang o pagpapautang.
DON’T EVER TRADE RELATIONSHIPS OVER MONEY.
(Photo from this Link)
Parang oras, ang anumang relationships
ay hindi natin mapapalitan.
Gayundin ang mga kaibigan.
Kung gaano sila kahalaga sa mata ng Diyos,
gayundin dapat sa atin.
Walang katumbas na halaga ng pera
ang mga tao sa paligid natin.
Huwag hayaang masira ng pangungutang
ang nasimulang pagkakaibigan.
“Kung utang ang nagiging rason para mas tumibay ang isang samahan, utang din ang nagiging dahilan para masira ang isang pagkakaibigan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May pinagkakautangan ka bang kaibigan ngayon?
- In good terms ba kayo o may kaunting hidwaan pa?
- Nakatulong ba sa iyo ang topic na ito?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“POINTERS ON LENDING ”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/vxrLya5kc5E
=====================================================
BOOKS
MY IPON DIARY (NEW!!!!)
Will be available on January 22, 2018!
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100
Bulk Order Promo
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.