Nakalulungkot din isipin kapag ang pagkakaibigan ay nasisira dahil lang sa pera. Kaya naisip kong gumawa ng blog patungkol dito.
Anu-ano nga ba ang mga nakasasakit sa damdamin ng isang kaibigan at bakit nagkakaroon ng tampuhan pag dating sa pera?
UTANG PA MORE
Ito yung mga “kaibigan” na mahilig mangutang pero napakahirap singilin. To the point na ikaw pa ang mahihiyang maningil sa kanila! Haha!
Minsan ang mas masakit pa rito ay yung makitang #FeelingBlessed pa ang mga post. Then hindi ka rin naman makapag-comment ng “Uy bayad mo” kasi panira sa masayang moment eh.
So magiging isang malaking LESSON learned s’ya sa iyong buhay.
PALIBRE PA MORE
Ito naman yung mahilig magyaya. Mahilig gumimik at makipag-bonding pero sa huli laging nakalilimutan ang wallet o kaya naman biglang tinatawag ng nature kapag bayaran na!
Masaklap pa rito, kapag nagsabi ng “Sharing na lang”. Ang order mo kape, then sya buffet! Tapos sharing sa bayaran? Lol!
Nakadadala yung mga ganitong tao ‘di ba? Mapapaisip talaga tayo kung kaibigan nga ba ang turing sa ‘yo.
BILI PA MORE
Ah ito naman yung hindi naman nangungutang, hindi rin naman nagpapalibre pero madalas sumasama sa lakaran. Kahit halos walang-wala na. Sige sama pa rin!
Hindi naman masamang makisama sa iba, kaso kailangan nasa budget pa rin. Kung yung kasama mo lagi ay mas mataas naman ang posisyon sa ‘yo, baka siya ay keri n’yang mag milk tea araw-araw.
Pero kung ordinaryong mamamayan tayo, kailangan ay matutong magbadyet at humindi kung kinakailangan. Tandaan na ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa dami ng kinainan n’yo kundi sa dami ng makabuluhang usapan ninyo at…
“Ang tunay na pagkakaibigan ay hindi dapat nauuwi sa gamitan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
1. Bakit mahalaga ang pagkakaibigan?
2. Sinu-sino ang mga taong tinuturing mong totoong kaibigan?
3. Ano ang pinaka nakadadalang karanasan ang natutunan mo sa isang taong tinuring mong kaibigan?
Watch this new video in my YouTube Channel:
Sira Ang Pagkakaibigan Dahil sa 5 Money Situations Na Ito
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.