Pagod ka na ba mag trabaho pero kulang pa rin ang iyong kinikita?
Pagod ka na ba sa mga taong walang ginawa kundi maliitin ka dahil
hindi mo sila ka-level?
Iba ang turing and tingin sayo dahil hindi ka kasing yaman nila
Well,kung pinagdadanan mo yan ngayon o napagdaanan mo na siya,
hindi ka nag-iisa.
Yun din ang naranasan ko noong ako ay bata pa.
Hindi naman kami pinanganak na mayaman at umunlad din ng konti at
nakaranas ng konting ginhawa sa buhay.
Pero noong nalugi ang negosyo na aking ama, doon na nagbago ang
takbo ng aming buhay.
Doon ko naranasan na kayo ang huling kakain sa mga parties.
Hindi ka sinasali sa mga laro dahil wala kang magandang laruan gaya ng??kung anong meron sila.
Hindi ka rin masyadong pinapansin dahil hindi ka marunong masyadong
mag- English and feeling ng iba wala akong taste.
Masakit siya pero ito ay aking kinimkim at sinabi sa aking sarili,
“Bukas luluhod din ang mga tala!”
Naks, hugot lines.
Talaga namang nakakapagod maging mahirap.
Ayaw ko na yung ganoong klaseng buhay dahil nakakapagod na parati na??lang kapos at hindi mo nabibili ang gusto mo.
Nakakasaw na tuwing kakain ka sa resto para kang nagbabasa ng Chinese??na libro dahil ang unang tingin mo ay nasa kanan at hindi yung kaliwa. Dahil conscious ka sa presyo.
Nakakapagod na rin mapipilitan
kang manghiram ng pera sa kamag-anak dahil sa kapos.
Nang dahil sa sobrang pagod na naramdaman ko, pinangarap kong
yumaman. At yan ang ginawa ko, nangarap ako, naniwala ako.
Lumaban,nagsipag at nag-tiyaga ako. At ang resulta hindi na ako pagod sa hirap.
Sa ngayon, nagpapasalamat ako sa Diyos na pinagkalooban na ako ng kaginhawaan sa buhay. Nabibili ko na ang aking ninanais. Nakakain na rin ako sa mga restaurant na gusto ko na hindi ko na rin dapat tignan ang presyo bago ako umo – order. Hindi na kami nanghihiram at pinagpala??na nakakatulong na rin sa mga taong kapos sa buhay.
Nagbago na ang takbo ng aking buhay dahil napagod na ako sa dati
akong buhay.
At ng dahil dito, nais ko rin tulungan yung mga taong pagod na sa kahirapan.
Pagod na sa pakikiusap sa mga taong naniningil at hinihiya sila dahil wala silang pambayad.
Pagod na mabuhay sa
pag-alala at sa takot kung saan pa kukunin ang pambayad ng upa at
makakain sa araw-araw.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? Here are some more other related posts:
- Baby Steps to Becoming Incredibly Happy: 5-Day Positivity Challenge
- A NEW HOPE
- Tips To Have A Healthy Happy Life
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.