Ano nga ba ang PAMILYA?
Ito na siguro ang pinaka importanteng
parte ng ating buhay.
Sila ang ating lakas, sila yung motivation natin,
at sila yung nagbibigay ng kahulugan
sa kung ano tayo ngayon.
If I may ask, kamusta kayo?
Going strong ba?
May mga pinagdadaanan pero
yakang yaka dahil nagtutulong-tulong?
O lagi nalang away at ‘di
pagkakaunawaan ang ating
almusal, tanghalian, at hapunan?
Laging nakasigaw, mas pinipili pa nating
kasama ang kaibigan kaysa sa kanila,
o yun bang umuuwi na lang tayo sa bahay
para matulog kaya parang hindi na natin
kilala ang isa’t isa.
Alam n’yo, para maging masaya at mapayapa
ang pamilya, nagsisimula iyan sa
maliliit na steps na kadalasan,
binabalewala lang natin.
Iniisnab-isnab kaya tuloy naiipon,
hanggang sa magugulat na lang tayo na
ang laki na pala ng issue.
Ano ba ang pwede nating gawin para
mapanatili ang #StrongerFamilyTies?
KUMAIN NG SABAY SABAY
(Photo from this Link)
“Negative, late na ako nakakauwi.”
“Eh after office, nagkakayayaan kami ng officemates ko eh.”
“Baduy. ‘Di na uso ‘yan!”
Exactly.
Most of our time, nasa opisina o eskwelahan tayo.
Ito na lang yung oras na
pwede tayo magkita kita at magkasama sama.
Kaya sana WE FIND TIME.
Pag weekends, imbis na gumimik,
magluto sa bahay at kumain ng sabay.
Kapag maaga nakauwi,
diretso na kaagad sa bahay
at habulin ang dinner time.
Ito na yung chance na makipagkwentuhan
at kamustahin ang isa’t isa.
Tanungin anong nangyari sa araw nila o
anong bago — simple things like that.
MAGBIGAY RESPETO
(Photo from this Link)
“Nak, kakain na.”
“Teka lang, naglalaro pa eh.”
“Saan kayo galing ng barkada mo?”
“Eh basta!”
“Pwede ba tayo mag-usap?”
“Tungkol saan na naman ba?”
Ngayon, nakalulungkot na nasasanay tayong
maging prangka masyado and we speak too much
kung anong nasa isipan natin na nakalilimutan na natin
magpreno at mag-isip kung
tama pa ba yung ating tono at pananalita.
Call me traditional or old school
pero malaking bagay na gumagamit pa rin tayo
ng mga salitang:
- Po
- Opo
- Salamat po.
…at iba pang mga salitang nagbibigay galang.
Ito yung isa sa paraan para magbigay galang
sa ating mga magulang at nakatatanda.
KAPAG FAMILY TIME, FAMILY TIME
(Photo from this Link)
- Nasa bahay nga, panay cellphone naman.
- Sama-sama nga, hindi naman nag uusap-usap.
- Nasa iisang bubungan nga, hindi naman nagtitinginan.
Kapag nasa bahay, hapag kainan,
Movie time, o play time with family,
Bitawan muna ang mga gadgets —
Mamaya na yang Facebook,
Instagram, o paglalaro ng Dota,
Candy Crush, o kung ano pa man.
Remember, this is your time TOGETHER
at hindi dapat tayo nagso-solo.
We can always do this anytime but for now,
FAMILY MUNA.
“Ang tunay na biyaya ni Lord ay hindi nakikita sa laki ng ari-arian
kundi sa pagkakaroon ng payapang isipan at pamilyang nagmamahalan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kamusta ang inyong pamilya?
- Nakapagbigay ka na ba ng sapat na oras at panahon?
- How will you improve this?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750 (Until Apr 23)
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750 (Until Apr 23)
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“IDEAS TO ENCOURAGE CHILDREN TO SAVE”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2r3w0HP
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.