Minsan ka na bang minaliit ng ibang tao
na para ba tayong langgam sa sobrang
liit ng tingin nila sa atin?
Yung feeling nila mas
mataas sila sa atin kaya tayo inaabuso?
“Sino ka ba eh assistant ka lang naman.“
“Huwag mo ako uutusan, mas matagal na ‘ko sa ‘yo.”
“Graduate ako sa _____, eh ikaw?”
Para sa mga nang-aapi...
Grabe naman friendship!
Bakit naman tayo gano’n?
Na-promote lang,
umunlad lang ng kaunti ang buhay natin,
o nakalasap lang ng ginhawa
eh feeling MVP na o yun bang
MOST VALUABLE PERSON na sa yabang?
Hindi na ba natin naisip yung katagang
“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
ay may stiff neck!” Este…
“..hindi makakarating sa paroroonan?”
Samantalang hindi naman natin
maaabot iyon without starting from the bottom.
Wala namang successful na tao
na hindi dumaan sa hirap.
Here’s what we need to understand:
LAHAT TAYO AY PANTAY PANTAY
(Photo from this Link)
Sa mata ng Panginoon, walang:
- Mayaman – Mahirap
- Maganda – Pangit
- Matalino – Slow
- Magaling – Hindi magaling
- Maitim – Maputi
…sa totoo lang (at yung nakalulungkot)?
TAYO LANG NAMAN ANG GUMAWA NITO.
Sa atin lang nanggaling na dapat
ma-separate natin ang dalawang tao
when in fact, wala dapat pinagkaiba ang bawat isa.
Maaaring Manager tayo ngayon,
Milyonaryo, o Businessman…
Pero alam n’yo, title lang yan!
Tayo lang ang nagbansag sa sarili natin niyan.
Kaya wala tayong karapatan
para maliitin ang iba.
We are ALL created in the image
and likeness of God, period.
GANDA NGA NG BUHAY, HINDI NAMAN MAGANDA UGALI
(Photo from this Link)
Hindi porket nakaaangat tayo ngayon
eh ibig sabihin, mas mataas na tayo sa kanila.
Nauna lang tayo ng kaunti
because it’s not yet their time.
Pero soon, makararating din sila.
So, pantay-pantay na naman.
Pero KaChink,
Aanhin naman natin ang magandang title na:
- Manager
- Vice President
- Rich
- Successful Businessman/woman
…kung napakapangit ng ating pag-uugali?
- Nanlalait ng kapwa
- Nagmamataas
- Nang-aagrabyado
Balewala din.
When we are disrespectful to others
baka bawiin ito sa atin.
Eh kaya nga ito ibinigay
para pakaingatan at maging inspirasyon
at hindi para gawing dahilan para
idown ang iba.
ALWAYS CHOOSE TO BE KIND
(Photo from this Link)
Mahirap sa pakiramdam yung
lagi na lang tayong galit at nega sa mundo
at sa mga taong nakakahalubilo natin.
Biruin mo, lagi tayong
parang laging may problema
eh pwede namang chill lang.
Feed your heart, mind, and soul with positivity.
Para gumaan ang pakiramdam.
Matutong magpasalamat.
Maging inspirasyon sa iba.
I-motivate ang kapwa para magpursige.
Simple lang ang buhay
Huwag natin gawing kumplikado.
“Hindi dapat nawawala ang respeto natin sa ibang tao
dahil sa Paningin ni Lord, pantay-pantay lang lahat tayo. “
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Naranasan mo na bang manlait ng kapwa? Anong instances?
- Paano mo babaguhin ang pananaw mo tungkol dito?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“10 DEFINITION OF SUCCESS”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IV5JTt
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.