Minsan mo na bang nadinig ang linyang
“Papunta ka pa lang, pabalik na ako?”
Sigurado ako, nasabi na sa atin ‘yan ng ating mga
lolo, lola, mga magulang, at nakatatanda sa atin.
Tuwing kailan ba nila sinasabi sa atin ito?
“Kapag galit sila.”
“Pag sinasagot sagot ko sila.”
“Kung feeling nila nagmamarunong na ako.”
Yes exactly.
Minsan kasi, we are so proud of what we know
na binabalewala na natin ang kanilang mga opinyon.
Hindi naman sinasabing mali tayo.
Hindi din naman ibig sabihing tama sila.
Pero dahil mas madami na silang karanasan
at mas madami na silang napagdaanan kaysa sa atin
it is expected of us to at least listen and try.
Paano nga ba natin haharapin ang ganitong linya?
HUWAG TAYO MASYADONG NAGMAMARUNONG
(Photo from this Link)
Kapag sinasabihan, huwag umalma.
“Alam ko na ‘yan, okay?”
“Hay nako, ‘yan na naman!”
“Oo na! Ako na bahala dito!”
Ang mga matatanda ay concerned lang sa atin.
Meron silang alam na hindi natin alam.
Kaya sila ay nagbabahagi ng kanilang opinyon.
Makinig muna tayo at respituhin
ang kanilang sinasabi bago pa mag-react.
Hindi lahat alam natin at iyon
ang kailangan natin tanggapin.
HUWAG NATING IPILIT ANG MALI
(Photo from this Link)
Hindi porket hindi na uso, ay mali na
at hindi porket lahat ng tao ay ginagawa na ito,
susunod na din tayo.
Dahil ang mali, mali ‘yan kahit pagbali-baliktarin.
Kaya tayo paulit-ulit na pinagsasabihan.
Halimbawa:
“Mahal ko talaga siya kahit MAY ASAWA siya.”
“WALA NG LIGAW LIGAW Ma! Mamaya makawala pa.”
“Sus, minsan lang naman. Hindi na nila malalaman.”
Paano naman hindi ididiin sa atin ang linyang ‘yan
eh alam na nga nating mali, pinipilit pa.
May katigasan din naman kasi ulo natin.
They have to constantly remind us dahil alam din nilang
hindi maganda ang kahihinatnan natin.
Maaaring naexperience na din nila ‘yan o
may kilala silang nag-suffer sa consequences
brought about by wrong choices.
HUWAG MAG BINGI-BINGIHAN papunta
Kapag pinagsasabihan, makinig
at pagnilay-nilayang mabuti.
Baka kasi may mapulot tayo dito tapos
eto tayo, nagbibingi-bingihan at ayaw sila pakinggan.
Madalas nga mas nakikinig pa tayo
sa mga kaibigan at katropa kaysa sa
pamilya nating nagmamalasakit.
Alam n’yo, hindi naman nila sasabihin yun kung
wala tayong makukuhang aral.
Ayaw nila siyempreng masaktan, mapahamak,
at malagay tayo sa alanganin.
Think about it first. Bakit kaya…
“Sinabing masama ang mangopya?”
“Pinagalitan ako nung na fall ako sa may asawa?”
“Ayaw nila ako payagan umuwi ng gabi?”
“Makinig tayo sa ating mga magulang at sundin ang kanilang mga payo
dahil totoo ang kasabihan na “Pabalik na sila, papunta pa lang tayo.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay nahihirapan makinig sa nakatatanda? Bakit?
- Anong sa tingin mo ang dahilan bakit ka pinagsasabihan?
- Willing ka ba makinig sa kanila para may kapulutan ka ng aral?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“MOBILE RICE MILL BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IpN6aa
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.