Gaano ka ka-passionate sa iyong part time job?
Regardless if you are involved in selling,
network marketing, writing, or just doing
a skill na pinagkakakitaan mo na ngayon.
Why do I ask?
Bakit ako nagkainteres na kamustahin ito?
Well, given na yung 8-5pm job natin,
most likely gusto natin yung trabaho
because we applied for it.
Kung hindi naman dahil no choice,
eventually, natututunan natin ito mahalin
kasi that’s our bread and butter,
iyon ang dahilan kaya tayo may regular
na trabaho ngayon.
Pero nung narealize nating kulang
para makatulong sa ating gastusin,
‘di ba naghanap tayo ng part time?
So now I am asking, kamusta naman?
Binibigyan ba natin ng importansya?
I hope so, part time man ang tingin natin dito,
It is important that we…
KNOW HOW TO COMMIT part time
(Photo from this Link)
Hindi porket part time lang o
pandagdag lang para kumita eh ibig sabihin
ay babalewalain na natin ito.
Kapag sinabing trabaho, kahit ano pa ‘yan,
we will give our best shot.
Bibigyan natin ng oras, panahon, at
same equal efforts that we do at our current job.
Kahit part time pa ‘yan,
hindi ‘yan para ipagpabukas pa at sabihing:
“Part time lang naman”
“As if namang ang laki ng sahod ko”
“Demanding ah!”
Maliit o malaki, part time o full time,
bawat gagawin natin ay importante.
GAWAN NG ORAS part time
(Photo from this Link)
Nag apply tayo d’yan for a reason,
para kumita ng extra.
Yung kinikita natin nakatutulong
sa pagbabayad ng utang, kuryente, tubig,
allowance sa araw-araw.
Oh ‘di ba? Napakalaking bagay sa atin!
Tapos second priority lang? Huwag naman.
After our full time job, always
and I mean ALWAYS make time for it.
“Pagod na ako from work”
“Eh, Bukas na yan”
“Maya na madali lang naman ‘yan”
Schedule natin ng maayos.
Pag-uwi ba? Gagawin bago pumasok?
During weekends?
Plan it out and do it CONSISTENTLY.
Pinasok natin ‘yan, ginusto natin ‘yan,
Kaya dapat lang na gawan ng oras
kahit anong mangyari.
WORK YOUR WAY TO IMPROVE part time
(Photo from this Link)
Huwag tayo maging stagnant dahil lang
‘part time’ lang ang tingin natin dito.
Because we can always make this big.
Halimbawa, napili nating mag buy and sell,
start with a few stocks, then
pwede na tayo magdagdag ng stocks
and build our shop or maski online shop.
If we chose to make a living sa ating skills,
tutor, writing, designing, or training people pa ‘yan,
we can start with one client. Kapag gamay na,
then we can get more clients.
Because more clients mean more
cash in our pockets, right?
Hindi natin gagawin lang ang isang bagay
and be stuck with what we know.
Because there’s always room to improve.
Malay mo, nandito pala sa part time natin
magsisimula ang isang napakagandang
future or success ahead of us.
Tiyaga lang, friend.
“PART TIME job man kung tawagin pero ito’y dapat bigyan ng oras at halaga rin.
Dahil hindi man kalakihan sa ngayon ang kita, malaking bagay ang nagagawa nito sa ating bulsa.”
-Chinkee Tan, Wealth Coach
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay may part time job ngayon?
- Pinapahalagahan mo ba ito tulad ng pagpapahalaga sa iyong full time job?
- Ano pa ang pwede mo i-improve pagdating dito?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P599 (Discounted rate)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“THE 5W’S OF RETIREMENT”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2vCjGAu
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.