Filipinos are known for celebrating occasions, whether big or small.
Masaya at exciting nga naman, siyempre, gusto natin maging festive at memorable ang bawat sandali.
We celebrate small or major events in life like birthdays, piyesta, binyag, graduation, etc. Wala namang masama kung tayo’y magdiwang, as long as we do not borrow money to celebrate. Kung within budget or may extra pera tayo para dito, walang problema.
Pero if our savings get depleted just for the sake of being able to throw a party, may mali na.
Bakit nga ba nabubutas ang bulsa sa tuwing may okasyon?
IMBITADO ANG BUONG BARANGAY
Nandiyan ang immediate family, ang second cousins, apo, apo sa tuhod – pati yata apo sa kuko at kapitbahay. Pati sina kagawad, at kapitan, naku! Lahat imbitado, walang pinapalagpas.
May habit kasi tayo na kapag may okasyon, imbitado ang lahat kahit pwede naman sanang wala doon sa event. Ang rason? “Nakakahiyang hindi imbitahin.”
Moments like these are meant to be celebrated with people you are close to – mas intimate, mas maganda – para madama natin ‘yung momentous event at hindi maging stressed sa kaka-entertain at pagpapa-impress sa iba.
MALA-BOODLE FIGHT SA DAMI NG HANDA
Ito ang eksena. Kapag:
Baboy: Nandiyan ang adobong baboy, sinigang na baboy, inihaw na baboy.
Chicken: Fried chicken, chicken afritada, chicken tinola
Isda: Inihaw na isda, pritong isda, stuffed isda
Looks familiar?
“Oh Chinkee, ‘diba okay lang naman ito?”
Okay lang sana kung a few viands lang, pero kung lahat ng klase ng luto ay ihahain natin just to please our guests – thinking na magiging “masaya” sila kapag maraming pagpipilian – talagang mawawala ka sa budget.
Remember: Kung ano lang ang kaya, ‘yun lang. Kung simple, isang ulam o dalawa lang, it doesn’t matter. Don’t pressure yourself. It is their presence that counts.
COMPETITION
“Mas maganda sa hotel para sosyal tingnan.”
“Dapat mas engrande tayo, noh!”
“Ay, naku! ‘Wag ka mag-alala, anak .Tatalbugan natin sila.”
Kaya lang naman palaki nang palaki ang gastusin natin dahil ang hilig nating tumingin at makipagkompetensiya sa iba. Kung anong meron sila, dapat meron din tayo o malagpasan ito. Kung anong wala sila, dapat meron tayo.
Ang tendency tuloy, patong-patong na wishlist ang nangyayari. ‘Di bale nang mangutang, magipit, o wala nang panggastos bukas – basta makalamang lang.
And it all goes back to…
PRIDE
Pride – kasi dapat, ‘yung engrandeng handaan mo ngayon ay maulit sa susunod na okasyon. Natatakot kasi tayong masabihan ng:
“Baka nagtitipid na sila.”
“Wala na silang budget.”
“Baka naghihirap na sila.”
So tayo naman, ayaw nating pag-isipan tayo nang ganito kaya we go beyond our means just to shield ourselves from being the subject of gossip.
Swallow your pride. Maghigpit ng sinturon, kaysa naman maghirap tayo in the future dahil lang sa nagpadala tayo sa sasabihin ng iba.
“Be utang free. Keep your party simple para hindi party now, pulubi later”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Are you a wise spender pagdating sa handaan?
- Kung hindi, bakit ka lumagpas sa budget mo?
- What can you save on para maka-iwas sa utang?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.