Hay ang lamig na ng panahon! Ramdam na yung kapaskuhan. Kamusta naman ang mga plano ninyo ngayong pasko mga ka-Chink? May menu na ba kayo sa pasko?
Pa-join naman hahaha! Pero kidding aside. Naisip kong gumawa nitong blog para naman paalalahanan kayo mga ka-Chink. Baka kasi masobrahan ang excitement natin ngayong pasko.
Let me share some tips para naman hindi tayo umiyak pagkatapos ng Pasko at New Year sa sobrang dami ng gastusin.
PLANUHIN ANG IYONG 13TH MONTH PAY O CHRISTMAS BONUS
Ang Pasko ang isa sa mga most awaited holiday sa atin, pero ito rin ang pinakamagastos na panahon. Kaya naman siguraduhing hindi natin sasayangin ang ating Christmas Bonus.
Suggestion lang naman ito. Dahil may sweldo pa naman kayong makukuha maliban sa bonus, pwede n’yo na rin idagdag para sa emergency fund or retirement fund ang inyong bonus.
Ito rin ang panahon para mag-invest at mas palaguin pa natin ang ating pinag-iipunan. Kailangan ay
UNAHIN ANG MGA PANGANGAILANGAN
Yes mga Ka-Chink! We need to be very responsible. Hindi ibig sabihin na may bonus eh puro luho na lang ang bibilhin natin. Kailangan din ay unahin natin ang mga pangangailangan ng ating pamilya.
Hindi rin naman ibig sabihin nito ay puro padala na lang sa ating mga magulang o mga kaanak. Kailangan din ay may maitabi tayo para sa ating future.
Syempre huwag rin nating kalimutan na magbahagi sa Panginoon at magpasalamat sa Kanyang biyaya para sa atin.
Kaya mahalaga na
HUWAG MANGUTANG JUST TO IMPRESS
Naku mga ka-Chink! Kung uutang lang tayo para magpa-impress sa ibang mga tao, sa mga kamag-anak o mga kaibigan, sigurado iiyak tayo kapag nakita na natin ang ating bill sa susunod na buwan.
Kaya naman mag-badyet. May panahon pa para mapaghandaan ang pasko. Huwag nating hayaan na maging maluho ang ating pasko dahil hindi naman ito ang sukatan ng totoong diwa ng kapaskuhan.
Mahalaga pa rin na masaya tayo at mahanap natin ang totoong magpapanatag sa ating kalooban at magpapahalaga sa mga turo ng ating Panginoon.
“Ang Pasko ay higit pa sa mga
materyal na bagay na ating natatanggap.
Ang Pasko ay panahon ng pag-ibig at
pagbabahagi ng bunga ng ating pagsusumikap.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga plano mo sa iyong natanggap na bonus?
- Paano mo pinagdiriwang ang totoong diwa ng Pasko?
- Gaano kahalaga ang Pasko sa iyong pamilya?
———————————————————
A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.
Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo.
Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.
Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.