OFW ka kaya marami kang sinakripisyo para kumita lang ng pera.
Negosyante ka kaya marami kang sinusugal para kumita lang ng pera.
Bakit nga ba napakahirap kitain ang pera? Ang masaklap pa dito, ang tagal mong kitain, pero napakadaling gastusin.
Sa hirap ng buhay ngayon, daig pa ng ‘isang linggong pag-ibig’ ang pagkita natin ng pera. Ang ating mga kita ay para bang dumadaan lang sa ating mga kamay. Minsan pa nga hindi lang simot, kulang pa!
Ayaw naman nating nabubuhay lang tayo para kumita ng pera.
Ano nga ba ang maaari nating gawin para hindi tayo mahirapang kumita ng pera?
Ito ang ilan sa mga maipapayo ko:
HUWAG MAG-FOCUS SA PERA
You read it right! Huwag puro pera-pera ang nasa isip natin. Huwag natin gawin motivation ang pera sa ating pagtatrabaho. Bakit? Kasi kapag nawala na ang pera, kasama na rin mawawala ang ating gana. Aminin natin, after pay day, para tayong mga lantang gulay sa tamlay dahil ubos na ang pera. Mag-focus tayo sa reason behind why we earn kay sa sa how much we earn.
LOVE WHAT YOU ARE DOING
Mahalin mo ang trabaho mo at mamahalin ka rin ito pabalik.
If we are doing our jobs just for the sake of money, mahihirapan talaga tayo. Ang mangyayari niyan ay para tayong mga robot na de susi, mga arcade machine na de hulog ng coin o di kaya’y laruan na de baterya. If we enjoy what we do, kahit maliit ang kita at mahirap, fulfilled tayo because we love what we do.
MAKE MONEY WORK FOR YOU
Be wise in handling your money. Manage your money or your money will manage you. Tayo dapat ang may control sa ating pera and not the other way around. Save as much as you can, invest, start a business, make a budget plan and more. Think of best ways to save money, hindi yung walang humpay ang ating paggastos.
Mahirap man ang buhay ngayon, maaari nating mapagaan ang ating mga buhay if we don’t focus too much on earning, if we love and enjoy what we do and if we make our money work for us. If we make saving money a habit, then we can also live better.
THINK. REFLECT. APPLY
Pagod ka na ba sa kakatrabaho para kumita lang ng pera?
Do you love your job?
Have you tried saving and investing your money?
If you have many plans and goals in life but do not know where and how to start. If you want to know more and learn on how you can create a plan and a strategy.
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here, https://chinkeetan.com/ipon-pa-more
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to face you finances? You can also check on these related articles on how to handle your finances wisely:
- 5 THINGS YOU SHOULD NEVER DO WHEN YOU HAVE MONEY
- 5 POWERFUL MONEY LESSONS WE CAN LEARN FROM THE CHINOY TYCOONS
- STRESSED NA SA PERA!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.