Blockbuster ang away sa pagitan nina Comelec Chair Andy Bautista at ng misis na si Tish nitong nakaraang linggo.
Maging ang alta de sociedad at mga mahahalagang tao sa negosyo at gobyerno usap-usapan kung bakit pa kinailangan isawalat ito sa media.
“HUWAG PAGUUSAPAN ANG PERA”
(Photo from this Link)
Iyan raw ang nakakarisa ng relasyon.
Hindi masamang pag-usapan ang pera.
Sa katunayan pa nga, mas nasisira ang relasyon kapag hindi ito pinagusapan.
Ang masama ay kung magsu-sumbatan dahil hindi n’yo ito napag-usapan noong umpisa.
“AYAW AKONG BAYARAN NG KAMAG-ANAK KO”
(Photo from this Link)
Sabi nga sa isang kanta, “Let it go! let it go!”
Kung magbayad man siya, Merry Christmas, kung hindi, condolence.
May mga tao talaga na ang bait kung umutang, pero pag singilan na, parang tigre kung magalit. Pwede nating gawin sa susunod, kapag tayo ay nagpa-utang, ipautang lang natin ang perang kaya natin nang hindi masira ang budget.
“PAANO KUNG KAMING MAG-ASAWA AY BUSINESS PARTNERS”
(Photo from this Link)
“Baka ikasira ito ng relasyon namin kung pag-uusapan namin ang pera?”
Masarap maka-trabaho ang mahal mo sa buhay lalo na kung asawa mo. Hindi ito ikakasira ng relasyon ninyo kung pag-uusapan niyo na agad.
- Sino ang magba-budget?
- Sino ang kakausap sa kliyente?
- Kapag dumating sa isang sitwasyon, paano n’yo i-solve parehas nang hindi affected ang relasyon n’yo bilang mag-irog?
“HINDI KAMI MAGKASUNDO, ISARA NA LANG KAYA NAMIN ANG NEGOSYO?”
(Photo from this Link)
Subukan ninyo munang mag-settle para magawan niyo pa ng paraan.
Mag-meet kayo halfway, pakinggan ang bawat panig. Try to come up with a solution that you both agreed upon. Pero kung decided na kayo na maghiwalay sa negosyo, panatilihin niyo pa rin ang friendship ninyo.
Hindi lahat ng gawain ay transaksyon. Mas mahalaga pa rin ang relasyon.
“Hindi lahat ng transaksyon ay mas matimbang sa relasyon.”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Mayroon ka ba ngayong hindi nakasundo dahil sa pera?
- Anong solusyon ang sa tingin mong makakabuti upang magkasundo kayo?
**********************************************************************************************************
To learn more on how to become wealthy and debt-free, please subscribe to my YOUTUBE channel by clicking this link https://www.youtube.com/chinkpositive
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.