Lahat tayo ay may kanya kanyang
New Year’s resolution.
Nandiyan yung:
Pagpapapayat
Tulad ko, ‘yan ang nasa listahan ko.
Alam mo naman, sunod sunod
ang kainan nitong nagdaan na holidays.
Bawas bawas din ‘pag may time. Haha!
Maging mabait
Gusto natin eh ka-friendship
na uli tayo ng mga nakaalitan noon.
Magpansinan na at
isantabi na lang ang naging isyu.
Makasingil ng utang!
Na sana lahat sila ay masingil na natin at
sana tamaan na sila ng hiya.
Magpakita naman o magpaliwanag man lang
kung bakit hanggang ngayon,
ang utang ay utang pa din.
Iilan lamang ‘yan sa
mga New Year’s resolution ng karamihan.
pero sa dami ng nagme-message sa akin,
alam n’yo ang pinaka common?
Gusto…
UMASENSO at GUMANDA ang buhay,
mag increase ang income at
maging financially wealthy.
Sino ba naman ang ayaw nito?
Wala naman siguro naghahangad
na maghirap ang buhay at
mabuhay sa stress hindi ba?
Paano natin magagawa ito?
Here’s my version of the
Right Philosophy on Money:
MONEY IS JUST A TOOL
(Photo from this Link)
Money is there to make our lives easier.
Parang martilyo, isang uri yan ng tool
para hindi tayo kailangan gumamit ng kamay,
unang una, dahil masasaktan tayo.
Ang upuan din is also a tool para
hindi tayo kailangan umupo sa lapag o
tumayo ng matagal.
Now, if money is making us stressed,
then may mali sa paggamit natin nito.
Kabaliktaran niyan, if it’s making your life better,
kumportable ka, at walang problema,
then you’re doing the right thing.
MONEY IS (ALSO) USED TO BE A BLESSING TO OTHERS
(Photo from this Link)
‘Pag tayo’y may extra, ‘di ba ang sarap ng feeling
na nakakapagbigay tayo sa iba?
Tulad nalang nitong pasko,
regardless of the amount,
parang ang saya saya na may naiabot tayo.
Meron tayong pera hindi lang for personal use
pero sana para may maibahagi din tayo sa iba
sa abot ng ating makakaya.
Huwag nating sarilihin dahil
GREED ang tawag diyan.
MAY TAMANG PAMAMARAAN SA PAGGAMIT NG PERA
(Photo from this Link)
Halimbawa na lang sa utang
Ano ba ang philosophy mo dito?
Kapag ba kulang, uutang ka o
hahanap ng pagkakakitaan para madagdagan?
Kapag naman nangutang ka,
good debt ba ‘yan o bad debt?
Uutang pero may babalik na profit o
uutang dahil gusto mo mag-travel,
bumili ng bagong gadget, o para makapag-shopping?
‘Yan yung typical scenario kung
paano natin tignan ang utang.
Pero ang bottomline, dapat:
GALIT TAYO SA UTANG!
Kung ang balak natin ay
magiging sakit lang ng ulo,
from there, dapat alam na natin ang sagot
kung ito ba ay itutuloy o hindi.
“Gamitin ng wasto ang pera para ang ipon at bulsa ay hindi madisgrasya.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ang pera ba ay ginagamit mo ng tama?
- Sa paanong paraan?
- Paano mo ito babalansehin?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“INVESTING IN UITF”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2ENKjEP
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.