Pera, pera, pera..
Marami na talagang napapahamak at nasisirang pagkakaibigan.
Pwedeng…
- Nangutang, pero hindi nabayaran.
- Nagtampo, dahil hindi pinautang.
- Nagtatago, noong nagkakasingilan.
- Nagtaksil sa pagkakaibigan, dahil pinagpalit ang kaibigan sa pera.
…at marami pang iba.
Ano ba ang dapat nating tandaan kung pera at pagkakaibigan na ang pinag-uusapan?
NEVER BURN YOUR BRIDGE
Huwag mong sunugin ang tulay na nag-uugnay sa pagkakaibigan.
Taon ang binilang ng iyong pinagsamahan. Maraming magagandang alaala ang nababalewala dahil lang sa pera. It is not worth it.
Maniwala ka, darating ang araw na sila pa rin ang pwede nating malapitan at maasahan. Huwag mong hayaang umabot sa pagkakataong lumiit ng lumiit pa ang iyong mundo at kung ikaw ay mangangailangan, wala ka nang pwedeng malapitan.
FRIENDS ARE HARD TO REPLACE
Ang pera, madaling palitan. Pero ang kaibigan at tiwala, pwedeng mawala with just one decision, thought, or action, so always be careful.
Kung ikaw ang mas nakakaintindi sa sitwasyon, just let go of the issue at pag-usapan nalang ng mabuti kung ano ang dapat ninyong gawin para hindi na maulit ang nangyari.
This is probably the most noble and mature way to handle a conflict. Hindi naman sa palalagpasin mo o hahayaang umabuso ang kaibigan mo, pero mas maganda kung lulunukin mo na lang ang pride to keep your friendship intact.
In closing, bakit ko sinasabi na kailangan nating bigyan ng halaga ang pagkakaibigan kaysa sa pera?
Isipin niyo na lang ito…
Kung meron kang isang milyong kaibigan, pwede mo silang hingan lang ng tag-pipiso. At kung lahat sila ay nagbigay, aba…milyonaryo ka na! Pwede ka pang mag-round two, kasi piso lang naman ‘yun.
That’s a joke. But kidding aside, ang punto ko rito ay: ang pagkakaibigan, hindi dapat natutumbasan ng pera. Mas matimbang dapat ang samahan dahil ang pera, pwede namang ulit kitain ‘yan, pero ang relationship at tiwala, mahirap na ayusin, buuin, at pagsamahin ulit once it’s broken.
THINK. REFLECT. APPLY.
Have you ever had a disagreement with a friend dahil sa pera?
Saan ka, sa tingin mo, nagkulang?
How can you restore your friendship?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.