Bilang magulang we always want what is best for our
kids. Kasama na dito yung magandang school na
papasukan nila. Pero minsan, medyo sobra lang siguro.
Minsan, hindi lang dapat sila makapasok sa magandang
school pero dapat sa mataas na class, dapat nasa top
at matataas din ang kanilang grades. But is it necessary?
In this blog, I will share the things that are more worthy to
consider than high grades and being in a good school.
Let’s try to ponder and make a reality check with these.
Ito ang ilan sa mga tingnan nating mga magulang:
THEIR LOVE AND WORTH COMES FROM A’S
“Kumusta ang quiz n’yo ngayon? Mataas ba nakuha mo?”
“Wow! Ok next time, gusto ko mas mataas na ranking mo.”
“Don’t be just an ordinary in your team! Kailangan galingan mo.”
Okay. Hindi naman masama na bigyan natin ng goal ang
ating mga anak, pero kailangan din ay ma-appreciate natin
ang kanilang achievements – maliit man o malaki.
Hindi natin kailangan i-pressure sila nang husto. Sa sobrang
bilis ngayon ng technology at ng mga pinag-aaralan ng mga
bata, kailangan nilang malaman ang kanilang worth.
Bakit ba kailangan laging mataas ang mga grades ng ating
anak? Kapag nagkaroon na ba ng mababang grades ibig
sabihin ba nito ay wala na siyang magandang future?
Self worth is very important. The way to have it is through
Love. They will also learn how to have self love if they
truly feel real love from us – their own parents and family.
So let’s work on it and we should stop to
BRAG THEIR ACHIEVEMENTS TO OTHERS
“Ang galing ng anak ko ‘di ba?”
“Top 1 ‘yan since grade 1 sa class n’ya.”
“Siya ang nagpa-champion sa team nila nung finals.”
Okay. Hindi naman masama na ipagmalaki ang ating anak
sa ibang tao pero hinay-hinay lang din dapat tayo. Hindi
pa rin sila perpekto at kailangan pa rin ng improvement.
Maaari pa rin silang magkamali sa ibang mga bagay at
doon natin sila kailangan mas suportahan. Hindi natin
dapat iparamdam sa kanila na sila lang ang magaling.
How will they face failure kung alam nila na sila lang
ang magaling? Paano nila haharapin ang rejection kung
lagi nilang alam na sila lang ang tama? That’s reality.
Sa totoong mundo at buhay natin, kailangan hindi tayo
overprotective, overdo and overhelp sa ating mga anak.
They also need to know how to make the right decisions.
We have to remember that
SELF-EFFICACY IS VERY IMPORTANT
“Okay na anak, matulog ka na ako na gagawa n’yan.”
“Sige mamaya gagawin ko assignment mo.”
“Mag-aral ka na lang d’yan. Ako na maglilinis ng bahay.”
Edi wow! Sarap buhay ng mga anak natin ‘di ba? Tayo
na lang kaya ang bigyan ng grades ng mga teachers nila
tutal tayo naman ang gumawa ng assignments at projects.
You see parents, we have to teach them how to be helpful
and useful to the society. Kailangan matutunan nila na
kumilos kahit hindi natin sabihan. Dapat may kusa sila.
May kusa silang kumilos dahil marunong silang mag-isip
at alam nila kung ano ang magagawa nila na kapaki-
pakinabang sa kanila at sa ibang tao sa paligid nila.
That’s is why chores are important to develop their self-
efficacy. Matututunan nila na sagutin ang tanong na:
“Ano ba ang magagawa ko na kapakipakinabang sa iba?”
Sa totoong buhay, hindi nila laging dala-dala ang medals
nila. Dahil ang daladala nila ay ang kanilang self worth
at ang kanilang self-efficacy. Kaya yun ang ipabaon natin.
“Aanhin ng ating anak ang mataas na grades at mga medalya
kung lagi nating iniisip na kapag wala tayo ay hindi nila kaya?”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang hilig gawin ng iyong anak? Kapakipakinabang ba ito?
- Inaalam mo rin ba ang ibang mga bagay na nagpapasaya sa anak mo?
- Nakikita mo ba ang kusang pagtulong ang iyong anak sa iyo at sa ibang tao?
I want to help you as parents raise RISK TAKERS, PROBLEM SOLVERS and CHANGE MAKERS.
CHINKTV PRESENTS: How To Raise Entrepreneurial Kids In 10 Easy Steps Online Course for only 799.
Click here to register: https://lddy.no/9see
-25 videos!
-Watch it ANYTIME, ANYWHERE.
-Watch it over and over again.
**For a limited time only, you can access ALL 11 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.