Alam niyo, there is one way para malaman natin kung ano ang ating future. How? Sa pamamagitan ng ating circle of friends.
If you spend most of your time with people who don’t have any goals and dreams; walang ibang ginawa kundi ang maging tambay for the rest of their lives, malamang ganun din ang magiging buhay mo.
Kung ang mga barkada mo ay puro bisyo ang inaatupag, malamang mahihikayat ka din na magkaroon ng bisyo gaya nila.
Kapag nag-join ka sa kwentuhan ng mga tsismosa mong mga kapitbahay, malamang tsismis din ang magiging favorite na pastime mo.
I really believe in the old saying, “Birds of the same feather flock together.” Malaki talaga ang nagiging influence ng mga taong nakapaligid sa atin. Kaya piliin natin ang mga taong dapat natin samahan.
So, paano nga ba natin pipiliin ang mga tamang tao para sa atin?
First thing we need to do is to . . .
EVALUATE OUR RELATIONSHIPS
Yung lagi mo bang kasama sa opisina ay nakaka-CONTRIBUTE ba ng maganda sa buhay o puro nalang ka-negahan ang binibigay sa’yo?
Yung kaibigan mo for 10 years, na-iINSPIRE ka ba niya na i-handle ang finances mo ng maayos o nahihila ka niya hanggang sa malubog ka sa pagkakautang?
Yung BFF mo, TINUTULUNGAN ka ba niya na makita ang problema mo objectively o ginagatungan pa niya kaya lalong lumalaki ang galit mo sa mundo?
Kung puro negative ang nagiging influence sa’yo ng isang tao, DEFINITELY ay hindi siya ang tamang tao sa buhay mo.
We all need to . . .
BE WITH A PERSON WITH SIMILAR VALUES
Kung gusto natin na may magandang patutunguhan ang ating buhay, we need to spend time with RESPONSIBLE people.
“Di bale nang ma out-of-place ka dun sa circle of friends na hindi magandang impluwensya, basta ang mahalaga ay PANININDIGAN at ISASABUHAY mo ang iyong tamang prinsipyo.
I believe that yung being “successful” pero binalewala naman ang values ay hindi pa din yun TOTOONG success.
At the same time, we have to . . .
SEEK SOMEONE BETTER THAN US
Pero syempre bago yun, we have to ACKNOWLEDGE na kahit may alam na tayo sa buhay, marami pa din tayong pwedeng matutunan.
Kapag kasi hindi tayo naging TEACHABLE, mananatili na lang tayo sa kinalalagyan natin habang buhay.
We need to enjoy the company of people who are better than us, because they will truly help us for our ADVANCEMENT and IMPROVEMENT.
Masyadong maikli ang buhay upang sayangin ang ating oras. Kung may nais tayong makamtan sa buhay, maging maingat tayo sa mga taong makaka-impluwensya sa atin. Dahil ang mga tao sa paligid natin ay MAJOR FACTOR para sa direksyon na ating tatahakin. Huwag natin hayaan na dahil sa ating maling pagpili ng sasamahan ay mahahadlangan na din ang ating mga pangarap na gustong makamit.
THINK. REFLECT. APPLY.
Maganda ba ang nagiging impluwensya sa iyo ng iyong mga kasama?
Kung hindi, paano sila nakakahadlang para mas maging maayos ang iyong buhay?
Kung good influence naman, paano sila nakakatulong na makamit ang iyong mga pangarap?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also look through these related articles on building relationships:
- BUHAY NA WAGI SERIES: SURROUND YOURSELF WITH RIGHT RELATIONSHIPS
- BUHAY NA WAGI SERIES: STOP PLEASING PEOPLE
- MAY KAKILALA KA BANG NOT FRIENDLY BUT USER-FRIENDLY PEOPLE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.